Pinagharian ni Filipino International Master (IM) Michael “Jako” Oboza Concio Jr. ang katatapos na Hanoi IM chess tournament 2022 na ginanap sa Hanoi Old Quarter Cultural Exchange Center sa Hanoi, Vietnam nung Linggo.
Si Concio na tubong Dasmarinas City ay nasa ilalim ng kandili ni Rep. Elpidio “Pidi” Barzaga Jr. ay nakalikom ng seven points mula sa limang panalo at 4 na draws para magkampeon sa single round robin FIDE standard tournament.
“I would like to dedicate my victory to my countrymen. It’s an honor to represent our country,” sabi ni Concio na 11th grader sa Dasmarinas Integrated High School na nagdiwang ng kanyang 17th birthday kahapon.
“Congratulations and Happy Birthday Bunso (Michael “Jako” Oboza Concio Jr! I know Tatay Michael Concio is very happy in Heaven,” pahayag ni Michella Oboza Concio , nakatatanda niyang kapatid.
Naikadama ni Concio ang importanteng panalo kontra sa kababayang si FM Roel Abelgas sa second round, Nguyen Phuoc Tam ng Vietnam sa third round, IM Mikhail Vasilyev ng Ukraine sa fifth round, Saurabh Anand ng India sa seventh round at Pham Xuan Dat ng Vietnam sa eight round.
Tabla siya kay GM Bui Vinh ng Vietnam sa first round, IM Vo Thanh Ninh ng Vietnam sa fourth round at CM Arfan Aditya Bagus ng Indonesia sa ninth at final round.
Si Concio ay nagkampeon din sa 1st Relampagos FIDE Chess Cup na ginanap sa Panabo Chess Park, Panabo City sa Davao Del Norte nitong Abril 24, 2022.
– Marlon Bernardino –