Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
AJ Raval Angeli Khang Ayanna Misola

Angeli may time frame sa pagpapa-sexy; AJ at Ayanna ‘di kakompetisyon

SOBRANG nakatataba ng puso na ako ang napili ng Viva bilang Box Office Queen ng Vivamax,” simula ni Angeli Khang sa solo presscon na ibinigay ng Viva para sa bago niyang handog na pelikula, ang Pusoy na mapapanood na sa May 27, kasama sina Baron Geisler at Janelle Tee na pinamahalaan ni Philip Giordano at produce ni Brillante Mendoza.

“Sobrang grateful ako sa lahat ng mga umatend, lahat ng naghintay kahit sobrang late ko, and I hope na hindi lang ito ang isang beses,” pagpapatuloy pa ni Angeli nang matanong ang reaksiyon nang mabanggit ni Vincent del Rosario na ang sexy star ang itinuturing nilang Box  Office Queen dahil sa kung ilang buwang most watched movie ang Silip na pelikula nito sa Vivamax. 

Bukod kay Angeli, marami ring pelikula sa Vivamax ang kapwa niya kapatid kay Jojo Veloso na sina AJ Raval at Ayanna Misola. Kaya naman pinagsasabong silang tatlo.

“I think it’s not a competition for me, from my perspective. I’m doing my best, they are doing their best and I’m happy whatever goals they achieved. And I’m happy din sa mga goal na naaabot ko and I think pantay-pantay kami and may kanya-kanyang time lang kami,” pagkaklaro ni Angeli.

Natanong din si Angeli ukol sa kung may time frame ba siyang ibinigay sa sarili para sa  pagpapasexy at anong pelikula ang pinakamahirap at pinakamadali niyang nagawa.

“Time frame after 10 movies mag-lie-low muna since I think I did my best doing my sexy movies. Ang pinakadali namang ginawa ko ay ‘yung ‘Virgin Forest’ na coming soon and itong ‘Pusoy’ and ang pinakamahirap for me is ‘Silip sa Apoy.’”

Samantala, isang pastora para ang ina ni Angeli kaya natanong namin ito kung nakapanood na ba ang kanyang ina ng mga pelikulang nagawa na niya at kung ano ang nasabi nito sa pagpapa-sexy niya.

“She really wants to (watch) pero ako ang nagsasabi sa kanya na ‘wag muna. Next time na kapag alam kong magiging proud ako na ipanood niya rin sa mga friend niya,” sambit ni Angeli. 

“Noong first na nalaman niyang sexy ang movies ko, ipinray over niya ako and in advise niya ako na ‘your body is the temple of the Lord.’ And noong nalaman niya naman na I’m happy sa kung ano ang ginagawa ko, sabi niya, ‘anak as long as wala kang tinatapakang tao at gusto mo iyan, sinusuportahan kita,’” esplika pa ng dalaga na minahal at naging katulong ni Popoy (Vince Rillon) sa kanyang ambisyon na bago naman ni Rodolfo (Baron)

Hindi naman itinanggi ni Angeli na naisip din niyang posibleng magkaroon ng indecent proposals dahil sa trabaho niya bilang sexy artist. “Lagi rin tinatanong sa akin kung may natatangap na indecent proposal and marami rin akong friend na nagse-send ng screen shot ng, ‘Angeli is this you?’ Kasi nakita ko ‘yung name mo nag-aalok ka raw ng indecent proposal sa mga tao. 

“Sobrang masakit sa puso na I’m doing this passionately and I’m an artist whatever i’m doing now. Nasa-sad ako sa mga taong pinaghihinalaan na gumagawa ng indecent proposal. But I’m happy na wala pang lumalapit sa akin dahil alaga ako ng Viva.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …