Wednesday , March 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ayana Misola

Ayanna Misola nagparaos gamit ang isda

MAHUSAY pala talagang umarte itong si Ayanna Misola. Kaya hindi nakapagtataka na ganoon na lang siya purihin ng mga beterano at magagaling na aktor na kasama niya sa Putahesina Ronnie Lazaro at Mon Confiado gayundin ng kanilang direktor na si Roman Perez Jr..

Unang eksena pa lang ni Ayanna pasabog na agad. Biruin n’yo gumamit siya ng isang isda para makaraos. Nakaupo sa dagat si Ayanna habang hawak-hawak ang isang isda na aniya’y nasugatan pa siya dahil sa talas ng palikpik nito. Mabuti na nga lamang na natapos na ang eksenang iyon nang makatakas ang isda. Pero aniya, sobrang tagal nilang kinunan ang naturang eksena. Pero worth it naman dahil maganda ang pagkaka-execute niyon.

Si Ronnie ang gumanap na tatay niya sa Putahe samantalang isa sa mga nakatira sa Isla Puerta si Mon na asawa naman ni Carlene Aguilar. Si  Ayanna si Jenny, inosente may pangarap sa buhay kaya naman kahit may nobyo, si Ephraim (Massimo Scofield) ay ayaw paiskorin kahit ilang beses siyang niyayaya nito o humihingi ng halik.

At dahil inosente, laging nakakamison si Ayanna at never pinagbigyan ang nobyong si Massimo na magaling din bilang probinsyanong tin-edyer na medyo inosente.

At kahit unti-unting nawawala ang pagka-inosente ni Ayanna dahil kay Euka (Janelle Tee), ang dahilan at magtuturo sa kanya ng kamunduhan, mahusay din niyang nagawa iyon. May mga bagay na gagawin si Jenny na hindi aakalain ng iba na kaya niyang gawin.

Hindi lang sina Ayanna at Janelle ang magpapabusog sa mga mata ng manonood ng Putahe dahil ang mga kasama rin nilang sina Hershie de Leon, Richard Solano, Nathan Cajucom ay may kanya-kanyang intimate scenes.

Natawa si Ayanna nang ibahagi nito ang ginawang preparation sa maseselan nilang eksena ni Janelle. Nariyang maliligo muna siya kahit mahirap ang tubig doon. “Tinatanong ko si Direk Roman kung may love scene kami kasi magpapabili ako ng fresh water para makaligo ha ha ha.”

Ibinuking naman ni Janelle si Ayanna na gusto nitong ipraktis ang kanilang lovescene dahil naiilang sila na gawin iyon.

Pero nang mapanood nila sa big screen ang Putahe sa isagawang private screening  noong Miyerkoles ng gabi, nasabi ng dalawa na hindi nahalata ang ilangan nila. 

Kasi talagang inisip ko na mahal na mahal kita,” ani Janelle. 

Actually napi-feel ko naman na mahal mo nga ako,” sabi naman ni Ayanna.

Samantala, inamin pa ni Janelle na kinakabahan siya at excited mapanood ang Putahe. Naiisip kasi ng dating beauty queen kung nagampanan niya ng maayos si Euka na bukod sa nagparaos sa lahat na yata ng kalalakihan sa isla eh siya ang nagbinyag sa inosenteng si Ayanna.

Sobra talaga ang kaba ko ko kung kakayanin ko ba na panoorin. Pero  noong napanood ko, nakita ko na nakaya naman namin ni Ayanna. 

“Kaya naman sobrang thankful ako kay Direk Roman sa guidance niya. And I will forever treasure this first out of the box role,” ani Janelle na kung ilang ulit na sinabing babae siya kaya naka-pink siya noong gabing iyon. Kung bakit niya paulit-ulit na sinasabing babae siya, kayo na lang ang humusga kapag napanood ninyo ang Putahe.

Palabas na ang Putahe sa Vivamax na idinirehe ni Roman Perez Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Angelika Santiago

Paggawa ng teleserye na-miss ni Angelika Santiago, mapapanood muli sa “Born to Shine”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NALAMAN namin ang ilan sa mga pinagkakaabalahan lately ng Kapuso …

Tony Labrusca Yuki Sonoda Kelley Day All About Her

Tony Labrusca, happy na makatrabaho sina Yuki Sonoda at Kelley Day sa “All About Her”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Tony Labrusca na masaya siya sa bago niyang …

Maya Maris Racal Julia Barretto

Julia at Maris ipinakita kung gaano kabilis mag-Loan sa Maya

KUNG napanood mo sina Julia Barretto at Maris Racal sa kasalukuyang Maya video na nagsasampalan ng pera, alam mo na kaya …

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …

Jean Garcia

Jean Garcia kaagapay ng RDR Prod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus INANUNSIYO ng RDR Productions, gumagawa ng mga film, socmed stories, at ilan pang …