Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Outreach Mission sa Sofia, Bulgaria natapos ng PH Embassy

MATAGUMPAY na naisagawa ng Philippine Embassy sa Budapest ang consular outreach mission sa Sofia, Bulgaria.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang consular team ay binubuo nina Consul Ria E. Gorospe at Attachés Iluminada Manalo at Claro Cabuniag.

Kabilang sa mga serbisyo ng consular mission ang passporting, notaryo, paghahain ng civil registration reports, at application para sa NBI clearance.

Ayon sa ahensiya, ilang rehistradong botante sa ibang bansa sa Bulgaria ang nakapagbalik ng kanilang mga balota sa Embahada para sa National Election 2022.

Nagpasalamat ang Embahada sa tulong at mabuting pakikitungo ng Philippine Consulate General sa Sofia, sa pamumuno ni Consul General Mrognian Trajanov, at executive assistant, Milena Mileva.

Para sa consular concerns, ang Philippine Embassy ay maaaring tawagan sa [email protected].

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …