Sunday , December 22 2024
MRRD Central Luzon Leni Robredo
kuha ni EJ Drew

MRRD Central Luzon lumipat kay VP Leni

NANINDIGAN ang pro-Duterte volunteer group na Mayor Rodrigo Roa Duterte – National Executive Coordinating Committee (MRRD-NECC) mula sa Central Luzon chapter sa kanilang deklarasyon na suportahan ang kandidatura ni Vice President Leni Robredo.

Inilipat ng Mayor Rodrigo Roa Duterte Agila Central Luzon Chapter, sumasaklaw sa 8,000 kasapi ang kanilang suporta mula kay Mayor Isko tungo kay  VP Leni.

Ipinaliwanag ni MRRD Agila Region 3 Bulacan Chapter head Rolando Torres, ang desisyon ng kanyang grupo ay kolektibong desisyon na lumipat kay VP Leni pagkatapos ng ilang konsultasyon sa kanilang mga pinuno at miyembro.

Napagkaisahan nila at pinaniniwalaan na si VP Leni  ang may kakayahang mamuno, halos walang dungis sa track record at naitala nang mahusay sa kanyang panunungkulan.

Nang tanungin tungkol sa kanilang napiling kandidato sa pagka-bise presidente, sinabi ni Torres, bukas pa rin ang kanilang grupo at gagamitin ang kanilang kalayaan sa pagpili.

Sinabi ni MRRD Agila Bulacan Chapter Director Sophie Macmod, sa kanyang murang edad noon ay  marami siyang pinagdaanan na pangamba sa panahon ng Batas Militar.

Tinutugis sila ng mga militar sa pag-aakalang ang kanyang kaanak ay mga rebelde.

Aniya, ayaw niyang manumbalik ang madilim na karanasan ng panahon ng Batas Militar at naniniwala siya sa magandang bukas na inihahain ni VP Leni.

Sinabi i MRRD Agila Valenzuela Chapter head Alejandro Cabasag, hindi sila tumitingin sa mga kulay at walang nagsabi na pumunta sa pula. Hinihikayat niya ang higit pang mga kapanalig na lumantad  at  manindigan na suportahan si VP Leni.

Ipinahayag nina dating MMDA General Manager Tim Orbos, DENR Asec Rommel Abesamis, at IMk Leni Convenor Elmer Argano na  malugod nilang tinatanggap ang grupo at ang kanilang desisyon na magkaisa at mangampanya para sa presidential bid ni VP Leni.

Malugod na tinatanggap ni Orbos ang grupo, sinabi niyang kinikilala niya ang kahalagahan ng lahat ng tulong, lalo ang Bulacan at Central Luzon sa kampanya ni VP Leni na kakaunting oras na lang ang natitira sa panahon ng halalan. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …