SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
SAYANG at wala si Angeli Khang sa Viva’s Summer campaign media conference kaya hindi niya narinig ang sinabi ni Vince del Rosario, president and CEO ng Viva ukol sa kung sino ang Box Office King and Queen ng Vivamax.
Ani Vince, si Angeli ang ikinokonsidera niyang best new comer at box office queen dahil sa pelikulang Silip sa Apoy.
For the past three months kasing palabas ang pelikulang idinirehe ni Mac Alejandre at pinagbibidahan din nina Sid Lucero, Paolo Gumabao, at Jela Cuenca sa Vivamax, lagi itong nasa Top 10.
Sinabi pa ni Vincent na ang Ang Babaeng Walang Pakiramdam nina Jerald Napoles at Kim Molina naman ang record holder.
Samantala, ang Vivamax pa rin ang no.1 streaming platformn sa Pilipinas na mayroon nang 3 million subscribers at lalo pang dumarami. At dahil nasa 41 territories na sa buong mundo ang Vivamax, para na ring nanood ng sine sa ‘Pinas ang ating mga kababayan all over the world.
Patuloy din sa pagka-high-tech ang Vivamax, dahil hindi lang makakapag-stream sa Smart TV via Chromecast at Apple AirPlay, dahil maaari na ring i-download ang Vivamax sa Android TV.
Kaya naman ang Vivamax and legit na binge-watch buddy ngayong summer, nasa beach ka man o nagre-relax lang sa bahay. Hindi ka mabibitin dahil sa dami ng sari-saring pelikula at series na unang mapapanood nasaan ka man, kailan mo man ma-tripan.
Nasa Vivamax din ang mga A-list stars ng Viva gaya nina Nadine Lustre sa kanyang first Vivamax Original Movie na Greed. Kasama rin ang Philippine Cinema’s Queen of Hearts na si Bela Padila sa unang pelikulang siya ang nagsulat, nagdirehe, at nagbida sa 366.
Kung loveteam naman ang pag-uusapan, nariyan ang McLisse (McCoy de Leon at Elisse Joson) sa Habangbuhay at sina Sue Ramirez at si Diego Loyzaga sa How to Love Mr Heartless.
Hindi rin magpapakabog si Vice Ganda sa kanyang debut sa Vivamax, Gandara The Explorer, ang travelogue adventure trip niya papunta sa Sagada.
Paparating na rin sa Vivamax ang remake ng isang comedy classic movie ng Tito, Vic, at Joey, ang Working Boys, na ipapakilala ang bagong henerasyon ng mga komedyante, ito ay sina Mikoy Morales, McCoy De Leon, Andrew Muhlach and Jerald Napoles.
Ilan pa sa mga bagong titles na mapapanood sa Vivamax ay ang Ikaw Lang Ang Mahal (Kylle Verzosa Zanjoe Marudo, Cara Gonzales), Babaylan (Jennifer Lee, Marco Gallo) Live Scream (Elijah Canlas, Kokoy de Santos); Adik Sayo (Cindy Miranda, JM De Guzman), Seculmeyt (Kim Molina, Jerald Napoles), Baby Boy Baby Get(Heaven Peralejo, Kiko Estrada), Tondo Prince (Jerald Napoles), at Rooftop (Ryza Cenon, Marco Gumabao, Ella Cruz, Rhen Escaño, Marco Gallo, Andrew Muhlach).
Nasa Vivamax din ang pinakamaiinit na pelikula sa mundo ng streaming platform: Island Of Desire (Christine Bermas, Jela Cuenca, Sean De Guzman); lskandalo (Cindy Miranda, Ayanna Misola, Angela Morena, Sean De Guzman, AJ Raval); Kaliwaan (AJ Raval, Vince Rillon, Denise Esteban); Doblado (Denise Esteban, Josef Elizalde); Putahe (Ayanna Miscla, Janelle Tee); Pusoy (Vince Rillon, Janelle Tee, Jela Cuenca, Angeli Khang); Breathe Again (Tony Labrusca, Ariella Arida, Jela Cuenca, Ivan Padila); High On Sex (Denise Esteban, Kat Dovey); Kity K7 (Rose Van Ginkel, Marco Gallo; Virgin Forest (Angeli Khang, Sid Lucero, Kat Dovey, Vince Rillon, Rob Guinto); Secrets (Janele Tee, Denise Esteban); Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili(Ayanna Misola), Mother’s Keeper (Angeli Khang, Jamilla Obispo, Marco Gumabao); Scorpio Nights 3(Christine Bermas); Sitio Diablo (AJ Raval), Anna (Kylie Verzosa), Us X Hor (Ayanna Misola, Angeli Khang, Diego Loyzaga); Lampas Langit (Christine Bermas); Kara Krus (Rhen Escaño); at Itago Sa Dilim(Angeli Khang, Kylie Verzosa, Raymond Bagatsing).
Mas pinainit talaga ang Vivamax ngayong summer at simula pa lang ‘yan. Asahan ang mga bago at kapana-panabik na mga pelikula mula sa no. 1 streaming platform sa buong taon.