AARANGKADA na bukas (Huwebes) ang pinakahihintay na “Pistahan sa Mega 5-Cock Derby” sa Roligon Mega Cockpit sa Parañaque City para sa una sa walong 2-cock eliminations na nakatakda sa makasaysayang sabungan na itinayo ni Rolly Ligon noong 1988.
Nasa 80 kalahok ang inaasahang maglalaban sa pangunguna ni Nico Fuentes (Datu Marikudo), Sherwin Aquino, Cesar Escabalon (Warluck GamebirdNWarriors), Daniel & Friends, Tata Elver Dansalan, Buboy Jamola, Lawrence Wacnang, Poly Llanto, VJ Belmonte, Anthony Ramos, Joey Santos & Rey Arroyo (Fire & Ice), Boyet Plaza, Kano Raya, Engr. Mike Grabaldea (Bicol sa Green Valley GF), Gary Alegre & Ariel Espiritu (Black Sinatra), Supermoon & Daniel, Ken Cantero,Pepito Luna (RDA & Pete) at si Marruel Terrobias na may apat na entries.
Magpapatuloy ang mga eliminasyon sa Roligon sa Abril 25 & 28; Mayo 2, 5, 12, 16 & 19 kung saan may nakatayang P100,000 para sa Day Champion sa bawat araw at isang 32” inch television at P10,000 worth ng Thunderbird Vetmed products para sa makaka-fastest win sa ikalawang laban.
Sa kahilingan na rin ng mga suki ng Roligon sa buong bansa, at sa pakikipagtulungan ng mga ilan sa mahuhusay at pinagkakatiwalang provincial derby hosts ay may nakalinya din na eliminasyon sa Abr. 23 sa MRCI Cockpit, Zamboanga City (Bobby Fernandez & Manny Dalipe), Abr. 27 sa Asin East Cockpit, Malasiqui, Pangasinan (Osmundo Lambino), Abr. 30 sa Tiwi Cockpit Arena, Tigpi, Tiwi, Albay (Ian Almonte/Ambet Peña), Mayo 6 sa Lipa City (Fred Katigbak), Mayo 14 sa Tiwi Cockpit Arena at Mayo 16 muli sa Lipa City.
Handog ni Ka Lando Luzong & Friends at ng Thunderbird – the winning formula bilang natatanging sponsor, P3 milyon piso ang garantisadong premyo ng “Pistahan” kung saan ang entry fee at minimum bet ay parehong P4,400 lamang. P1.7M ang championship prize.