Friday , November 15 2024
Leni Robredo Pulse Asia

Robredo ratsada sa surveys tuloy-tuloy

PATULOY ang ratsada ni Vice President Leni Robredo sa mga survey sa pagkapangulo habang papalapit ang halalan sa Mayo.

Matapos umangat ng siyam na puntos sa huling survey ng Pulse Asia mula 17-21 Marso, nakakuha si Robredo ng 30 porsiyentong rating sa survey na ginawa ng independent university academics mula 22 Marso hanggang 1 Abril.

Ginamit sa survey ang sample size na 2,505 respondents at gumamit ng random sampling na may margin of error na plus o minus 3.

Ang resulta ay inilabas ng Truth Watch Philippines Inc. (TruthWatch) matapos ang sampung araw na survey na ginawa sa buong bansa ng katuwang nitong Mobile Integrated Survey Research Inc. (Mobilis Research).

Ang survey ay ginawa sa National Capital Region, Luzon, Visayas, and Mindanao.

Ang TruthWatch ay itinatag ng mga beteranong survey specialists, research at communication professors, dating pampublikong opisyal at social development advocates.

Ginawa ang survey bilang tugon sa pangangailangang bigyan ang mga Filipino ng mas bagong impormasyon ukol sa kanilang nais na kandidato sa darating na halalan, ayon kay Dr. Dante M. Velasco, pangulo ngTruthWatch president at UP professorial lecturer.

Aniya, kailangan ng mga Filipino ang bagong score pagdating sa karera sa pagkapresidente at bise presidente, kasabay ng ilang datos na hindi makikita sa iba pang survey, kabilang ang pagkakaiba sa gusto ng mga botante sa urban at rural areas, mga isyung mahalaga sa botante at kaugnayan ng pamilya sa pagboto.

Ang survey ay pinangunahan ni Anton Pagaduan, TruthWatch board director at Mobilis Research head. Matagal nang nagsasagawa si Pagaduan ng mga survey sa buong bansa gamit ang tinatawag na computer assisted personal interviews para sa UP College of Mass Communication (UPCMC) at ilang pribado at pampublikong institusyon mula pa noong 2017.

About hataw tabloid

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …