Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rogelio Joey Antonio Chess

GM Antonio naghari sa GM Balinas Negros Open Chess Tournament

PINAGHARIAN ni Grandmaster (GM) Rogelio “Joey” Antonio, Jr. ng Quezon City ang katatapos na 2022 Grandmaster Rosendo Carreon Balinas Jr. Negros Oriental Open Chess Tournament na ginanap sa Lamberto Macias Sport Complex sa Dumaguete City, Negros Oriental nitong Linggo.

Tinalo ni Antonio si Ellan Asuela ng Bacolod City sa Armageddon tie breaker para makopo ang titulo at top prize na  P10,000. Nakamit naman ni Asuela ang runner-up prize P7,000.

Sina Antonio at Asuela ay kinakailangan maglaban sa Armageddon tie breaker matapos kapwa makapagtala ng tig 7.5 points sa 8 outings sa 2 day (April 16 and 17) event na nilahukan ng 98 woodpushers, hosted ni  Governor Roel Ragay Degamo.

Una munang tinalo ni Antonio si Bonn Rainauld Tibod ng Toledo City habang nakaungos naman si Asuela kay National Master Rommel Ganzon ng Mandaue City para sa paghaharap nila sa finals.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …