Sunday , December 22 2024
Francis Leo Marcos

Bagong Marcos sa Senado?
FRANCIS LEO MARCOS SUPPORTERS NAGLUNSAD NG GRAND CARAVAN

KAHAPON, Easter Sunday, nagsama-sama ang mga supporter ng influencer na si Francis Leo Marcos (FLM) para sa isang grand caravan na nagsimula sa Quirino Grandstand.

Pinangunahan ito ng Filipino Family Club, Inc. (FFCI) at Francis Leo Marcos for Senator Movement na nagpu-push sa kandidatora ni FLM.

Naging payapa ang caravan at hindi ininda ang init ng araw ng mga supporter na nakasakay sa motorsiklo. Panawagan nila na bagong mukha naman ang ilagay sa senado.

Si FLM ay may slogan na “Bagong Mukha. Bagong Pag-Asa.” Nakilala ang senatorial candidate sa kanyang viral na “Mayaman Challenge” sa social media na namimigay siya ng bigas at pera.

Naging laman din ng balita dahil sa umano’y pang i-scam na pinabulaan ng kanyang team at sinabing ito’y pawang paninira lamang.

Ngayon ay nasa kulungan si Marcos. Pero patuloy pa rin ang pagtulong sa mga tao.

Narito ang pahayag ng kampo ni Marcos na ipadala ng kanyang Spokesperson/Chief Legal Counsel:

“Ito ang mensaheng gustong iparating ni Francis Leo Marcos sa bawat Filipino. Siya po ay kasalukuyang nakakulong ngunit sa kabila ng kanyang kalagayan at pinagdaraanan ay hindi po ito naging hadlang sa kanyang mithiin na makapaglingkod sa bayan lalong-lalo na po sa mahihirap at pati na rin sa mga middle income family.

“Tandaan po natin na si FLM ay lumabas sa panahon ng pandemya at nagbigay ng ayuda at sako-sakong bigas sa mga nagugutom na pamilyang Filipino. Nakita n’ya ang kahalagahan ng agrikultura at pagkain kaya ipinapangako ni FLM na kapag s’ya ay nahalal sa Senado ay walang pamilyang magugutom.

Ipinapangako ni FLM ang masaganang hapag kainan at murang mga bilihin sa pamamagitan ng pagtatanggal ng buwis sa lahat ng uri ng pagkain hindi lang galing sa palengke pati mga delata at galing sa restoran dahil karapatan ng bawat Filipino ang makakain ng masasarap at masusustansiyang pagkain.

Tutulungan ni FLM ang mga magsasaka sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga libreng punla upang makapagtanim ng mga higanteng gulay gaya ng kalabasa, talong at okra para lahat ay may sapat na pagkain at hindi na kailangan mag-angkat pa.

Magbibigay siya ng mga libreng fertilizer o abono sa lupa para magkaroon nang sapat na supply ng bigas at mga gulay.

Palalakasin ni FLM ang mga patubig at isusulong ang mga reporma sa agrikultura. Pararamihin at tutulungan n’ya ang mga kooperatiba ng mga magsasaka at mangingisda upang lumakas ang laban sa merkado at hindi masayang ang kanilang produkto. Kapag nahalal si FLM, siguradong magkakaroon nang sapat na pagkain ang pamilyang Filipino.

Ipinapangako rin ni FLM na isusulong n’ya ang mga batas na magpapalakas sa kalidad ng edukasyon sa bansa. Isusulong n’ya ang mga batas na magtataas ng antas ng edukasyon lalong-lao sa mga pampublikong paaralan.

Ang sabi ni Dr. Jose Rizal, ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Pero nais baguhin ito ni FLM. Para sa kanya, ang kabataan na may sapat at kalidad na edukasyon ang pag-asa ng bayan.

Naniniwala si FLM sa kahalagahan ng edukasyon kaya mas palalakasin n’ya ang libreng edukasyon pati sa mga pribadong eskuwelahan para makakuha ng gusto nilang kurso na wala sa pampublikong paaralan.

Magpapasa ng batas para sa pantay na pagtaas ng kalidad ng mga guro sa pampubliko at pampribadong paaralan at maglalaan ng pondo para sa pagkilala sa magagaling na guro na magsisilbing motivation para husayan ang kanilang pagtuturo.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …