Friday , November 15 2024
Bongbong Marcos Sara Duterte Jerry Yaokasin Mark Villar

BBM-Sara, Yaokasin, Villar sa Tacloban City — survey

LUMABAS sa pinakahuling survey sa Tacloban City mula sa HKPH- Public Opinion and Research Center katuwang ang Asia Research Center na nakabase sa Hong Kong, kung ang halalan ay gaganapin ngayon, ang mga sumusunod na kandidato ay panalo: Ferdinand Marcos, Jr., (President), Sara “Inday” Duterte (Vice-President), Jerry “Sambo” Yaokasin (Mayor) at Mark Villar (Senate).

Nakamit ni dating senador Marcos, Jr., ang 68 porsiyento ng boto sa Tacloban City habang ang kanyang running mate na si Davao City Mayor Sara ay nakakuha ng 60 percentage score.

Ayon sa “Pulso ng Bayan: Tacloban City 2022” survey, magkakaroon ng bagong alkalde ang Tacloban City kung gaganapin ang eleksiyon ngayon. Mas gusto ng mayorya ng mga botante si incumbent Vice Mayor Jerry “Sambo” Yaokasin bilang susunod na alkalde ng Tacloban City. Nakatanggap si Vice Mayor Yaokasin ng 55% boto, kompara sa 43% ni reelectionist Mayor Alfred Romualdez.

Ibinunyag din na si dating DPWH Secretary Mark Villar ang nangungunang kandidato sa pagka-senador na may 69.5%, sinundan ni Antique Representative  Loren Legarda (68.3%), broadcaster Raffy Tulfo (66.1%), Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero (65.7%) at actor Robin Padilla (63.2%)

Ang survey ay isinagawa nang malaya at walang komisyon mula 3-8 Abril 2022, nag-survey sa 1,200 rehistradong botante, may margin of error na 3% (+/-), at gumamit ng random sampling sa lungsod ng Tacloban.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …