Sunday , December 22 2024
Ayuda Sandugo Party-List Francis Cusi
Ayuda Sandugo Party-List first nominee Francis Cusi

Katutubo, may halaga pa ba sa atin? – Ayuda Sandugo

WALA tayo sa mundong ito kung hindi dahil sa ating mga ninuno o ang mga katutubo – sila ang una at tunay na pinagmulan ng ating lahing mga Filipino, subalit tila napabayaan na natin sila bilang isang mahalaga at lehitimong sektor ng ating lipunan.

Ito ang paalala sa atin ng isang Mindoro-based Party-List group Ayuda Sandugo na naglalayong isulong ang mga karapatan, serbisyo, at benepisyo ng halos 14-17 milyong culturally-diverse Indigenous Peoples (IPs) na nakakalat sa buong bansa.

Sinabi ni Francis Cusi, Ayuda Sandugo first nominee, marami na silang proyektong naipatupad para mapaunlad ang kabuhayan ng IPs mula nang maitatag ang kanilang grupo bilang NGO noong 2009 na lumaon ay naging partido – ngunit mas marami pa umano itong magagawa kapag nabigyan ng lehitimong respresentasyon sa Kongreso.

Ayon sa 41-anyos IT expert at entrepreneur, may seven priority goals ang partido na may kinalaman sa upliftment  ng indigenous tribes; livelihood programs; calamity assistance to farmers; farm-to-market roads; incentives at farmer’s capacity programs; guardians of national and local funds for rural development at youth empowerment.

Dagdag ng panganay na anak ni Energy secretary Alfonso Cusi at dating CEO ng Star Ferries, isang malaking kompanya ng transport at shipping services sa bansa, ang pinakamalaking agenda ng Ayuda Sandugo ay ang pagpapatupad ng RA8371 o IPRA Law na may kaugnayan sa RA7942 o Philippine Mining Act of 1995.

Ayon sa grupo, ang RA8371 o IPRA Law ay kumikilala at nangangalaga ng mga karapatan ng indigenous cultural communities (recognizes and promotes the rights of indigenous cultural communities and indigenous peoples), pati na rin ang karapatan ng IPs sa ancestral domains o mga lupaing pinananahanan nila.

Ang RA7942 o Philippine Mining Act of 1995 naman ay nag-uutos na walang ancestral land ang dapat buksan para sa mining operations nang walang pahintulot sa kinasasakupan  ng isang indigenous cultural community at ipinag-uutos din ng batas na ito ang pagbibigay ng 1% ayuda para sa IPs mula sa kita ng mining companies.

Sabi ng isang eksperto sa ancestral land and mining law, daan-daang milyong pisong ayuda para sa mga katutubo nang nawawala dahil sa hindi pagpapatupad ng mga batas na ito at panahon na upang ‘maibigay kay Juan ang para kay Juan.’

Sinigundahan naman ito ni Cusi na marami nga’ng panukala sa mga batas na ito ang dapat maisaayos para sa kapakanan ng ating mga ninuno na pinagkakautangan natin ng ating mga buhay at kapag pinalad silang maluklok sa kongreso ay pagsisikapan nilang maplantsa ang lahat ng mantsa at gusot nito.

Ang pangkahalatang bilang ng mga culturally-diverse Indigenous Peoples (IPs) sa buong bansa ay umaabot sa 14-17 milyon at ito ay binubuo ng 110 ethno-linguistic groups na karamihan ay nakabase sa Northern Luzon (Cordillera Administrative Region, 33%) at Mindanao (61%), at ilan pang grupo sa Visayas area.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …