Sunday , December 22 2024
Ping Lacson Minguita Padilla

Si Ping ang tugon sa pagbabago na hanap ng kabataan – Dra. Padilla

HINDI totoong wala nang pag-asa ang Filipinas dahil kitang-kitang ito sa dalang plataporma ni presidential candidate Panfilo “Ping” Lacson.

Ito ang mensahe ng health advocate at senatorial aspirant na si Dra. Minguita Padilla sa mga botanteng Filipino, lalo sa kabataan na naghahanap ng pagbabago, ngayong papalapit na ang araw na muling maghahalal ang bayan ng mga opisyal sa pamahalaan.

“Marami hong youth votes for me and mga healthcare workers also. So, I think they’re the ones who are reaching out e because they want to see a future. So, you cannot tell me that ‘ay, wala corrupt ang mga Filipino.’ Hindi nila matatanggap ‘yon,” pahayag ni Dra. Padilla sa “Kapihan ng Samahang Plaridel” nitong Lunes (Abril 11).

Ayon sa batikang oftalmologo, ang mga panawagan para sa pagbabago ang nagiging lakas nila ni Lacson na matagal na niyang nakasama sa paglaban sa katiwalian sa sektor ng pampublikong kalusugan sa Filipinas.

“I know Senator Lacson, because we have been fighting corruption in healthcare. We have been for good governance and pareho kaming crusaders. So, ako, I am not ready to say we’re hopelessly corrupt. Because I think, basically, if we have a leader na talagang who will show an example na ‘ako muna,’ ‘di ba? I lead by example, susunod po ‘yung iba,” sabi ni Dra. Padilla.

Umaasa si Dra. Padilla na sa mga susunod pang mga araw, bago sumapit ang araw ng eleksiyon ay makikita ng mas maraming Filipino ang mga katangian ni Lacson na isang mahusay na lider at tapat sa kanyang tungkulin bilang isang lingkod-bayan, at siya na ang pipiliin bilang pangulo.

Sa parehong media forum, sinabi rin ng tandem ni Lacson na si Senate President Vicente “Tito” Sotto na ang team nila ni Lacson ang karapat-dapat iboto ng mga Filipino dahil sa kanilang mga nagawa na at alok na solusyon sa mga problema ng bansa.

“Hindi po kayo magkakamali kung susuportahan n’yo po ‘yung grupo namin… We are competent in all national issues that are besetting our country now. We have the solutions. We know we can do the solutions and our experiences prove it. Our track records prove it. So, hindi po kayo mapapahiya,” ani Sotto.

Para naman kay Lacson, anoman ang maging resulta ng nalalapit na eleksiyon, ngayon pa lang umano ay nakakaramdam na siya ng pagkapanalo sa laban dahil sa mga leksiyon na kanyang nakuha mula sa mga pangyayari ngayong kampanya, lalo sa pagkilatis ng mga tunay na kaibigan katulad ni Dra. Padilla.

“You know me, talagang palaban ako. Ang nakalimutan kong pag-aralan how to protect myself from friends. I’m still struggling to learn how to protect myself from my friends and tamang-tama Holy Week, start kahapon, Palm Sunday,” sabi ni Lacson.

“Sabi ko, baka siguro kailangan ng prayer for discernment para maging maganda ‘yung judgment natin ng character when we get out of this exercise, this whole exercise, mas matalas na akong kumilatis kung sino ‘yung totoong kaibigan at kung sino ‘yung fake,” dagdag niya.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …