Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cindy Miranda Iskandalo

Cindy inaming tinatablan sa maiinit na sex scenes

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

INAMIN ni Cindy Miranda na nadadala at tinatablan din siya kapag may mga maiinit at matitinding sex scenes sa mga pelikulang ginagawa niya.

Ang pag-amin ay isinagawa ni Cindy sa digital media conference ng pinakabago niyang pelikula sa Viva Fims, ang Iskandalo na 10-part series na idinirehe ni Roman Perez Jr. at napapanood na simula Abril 10.

Ani Cindy, “Tao lang naman tayo atsaka ‘being’ talaga ako as an actress. Talagang iniisip ko na nasa sitwasyon ako, na ako talaga ‘yung karakter.

Honestly, naaapektuhan ako, but we need to be professional. We need to realize na after that scene, hindi na tayo ‘yung karakter na ‘yun.

“May mga kanya-kanya tayong buhay, huwag na nating guluhin ‘yung buhay ng ating co-actors. ‘Yun ang palagi kong sinasabi sa sarili ko na I need to be professional,” ani Cindy.

Ipinagpapasalamat ni Cindy na sa mga nakaka-lovescene niya wala namang may kakaibang amoy o ‘yung hindi malinis sa katawan. 

Lahat nagpapabango. Ang bango-bango nga po masyado.

“Nakahihiya. Makikita mo nga, nagma-mouthwash pa sa harap mo, parang they want you to know, ‘Hey, nag-mouthwash ako!’ Pero ang worse lang, marami po ang weird pero wala akong mabahong nakaeksena ever.

“I think suwerte po ako na ang Viva they make sure naman na kapag may kapartner ka, alam nila ang dapat gawin,” sambit pa ng beauty queen/aktres.

Bukod kay Cindy, tinatampukan din ang Iskandalo nina Ayanna Misola, AJ Raval, Jamila Obispo, Angela Morena, Julio Diaz, Evangeline Pascual, Sean de Guzman, Rocky Salumbides, Pio Balbuena, Francis Magundayao, Joko Diaz, Jay Manalo, Joone Gamboa at marami pang iba.

Samantala, rito yata sa Iskandalo makikita ang mga pikaseksing tsikas ng Vivamax. Ang Iskandalo rin ang pinakamainit na scandal na hindi bawal! Dahil nagsama-sama  ang lima sa pinaka-pinagpapantasyahang Vivamax Crushes sa isang bago at kakaibang series.

Ang kuwento ng Iskandalo ay magsisimula sa pagkamatay ng isang sikat na batang artista na masasangkot sa isang viral sex scandal. Siya ba’y nagpakamatay sa hiya? Foul play ba? Kung foul play, sino ang pumatay sa kanya? ‘Yan ang iimbestigahan ng isang determinadong lady cop at madidiskubre niyang mas malalim ang dahilan ng krimen at ng sex scandal na kasasangkutan ng matataas na tao sa lipunan. 

Masusulit ng mga subscriber ng Vivamax ang kanilang panonood ng Iskandalo dahil 10-part series ito—Sampung linggong init at angas ang matutunghayan ng mga ka-Vivamax dahil ito ang scandal na hindi bawal! Hindi magpapaawat si AJ sa series na ito, kaya’t hindi kataka-taka na siya na ngayon walang duda ang Pantasya ng Bayan ng kasalukuyang henerasyon. Siyempre, hindi rin magpapaiwan ang alindog ng ating mga baguhang sina Ayanna, Angela, at Andrea—kumbaga sa sakuna, Alert Level 5 ang kaseksihan na handa nilang ipakita!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Joseph Marco Rhen Escaño My Husband is a Mafia Boss

Joseph Marco at Rhen Escaño bibida sa My Husband is a Mafia Boss

HINDI nauubos ang mga kapana-panabik na handog ng Viva One para sa mga loyal viewer at Wattpadseries enjoyers. …

SSR Shake Rattle and Roll Evil Origins

Shake, Rattle &Roll: Evil Origins tumabo ng mahigit P110-M sa takilya, palabas pa sa mahigit 100 sinehan

NA-BREAK na ng Shake, Rattle & Roll: Evil Origins ang P100-M mark sa isinasagawang Metro Manila Film Festival …

CoJ Cup of Joe Stardust

Cup of Joe’s Stardust int’l leg kasado na

I-FLEXni Jun Nardo KASADO na ang Stardust international tour ng multi-awarded record breaking band na Cup of Joe. …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …