Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

P.5-M droga kompiskado

TINATAYANG mahigit sa P500,000 halaga ng ilegal na droga ang nasamsam sa magkakahiwalay na buy bust opebgns at pagkakaaresto sa siyam na indibidwal sa Taguig at Parañaque City kamakalawa.

Sa ulat ni Southern Police Distfrict (SPD) Director P/Brig General JImili Macaraeg, unang nahuli sa harap ng gasolinahan sa Dr. A. Santos Avenue, Barangay San Antonio, dakong 3:45 am, 22 Marso, ang tatlong suspek na kinilalang sina Jhonnier Camposa, 49; Carlo Reyes, 23; at Maylene Ormoc, 40.

Nakompiska ang anim na heat sealed transparent plastic sachet, may kamnang mahigit sa limang gramo na nagkakahalaga ng P34,000.

Sa Taguig City, nahuli sa Cagayan De Oro St., si Biollah Midtimbang, alyas Viollah, 36, dakong 3:00 am, nakuhaan ng 15 gramo ng hinihinalang shabu, nagkakahalaga ng P102,000.

Naaresto rin ng mga mga elemento ng Sub-Station 7, dakong 10:15 am si Abdul Salik sa Simultaneous Anti Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) sa kahabaan ng panulukan ng Marawi Ave., at IRM Road Brgy. Maharlika Village na nakuhaan ng 25 gramo ng shabu, nagresulta sa pagkadakip kay Abdul Salik, 43, nakuhan ng 25 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P173,060.

Apat na drug suspects na kinilalang sina Leonard De Vera, 34, Ericson Baribar, 33, Bernardo Yadao, 41, at Patria Anne Victorino , 23, nasamsaman ng 32.5 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P221,000 sa buy bust operation, sa Kalayaan St., Brgy. Ususan, Taguig City , dakong 10:00 pm.

Isinailalim sa inquest proceedings sa piskalya ang mga suspek sa paglabag sa Setions 5, 11 (selling & possession) ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). (GINA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …

explosion Explode

Kabahayan, mga bus nasira dahil sa pagsabog ng ‘deadly firecracker’; 4 timbog, 1 pa pinaghahanap sa Bulacan

NAARESTO ng mga awtoridad nitong Sabado, 3 Enero, ang apat na kalalakihan habang hinahanap ang …