NAKAPAGTALA ang Muntinlupa local government unit (LGU) ng pitong aktibong kaso ng CoVid-19 sa lungsod kahapon.
Sa impormasyon ng Public Information Office (PIO) ng Muntinlupa, ang mga naitalang aktibong kaso ay lima mula sa Brgy. Alabang, isa sa Brgy. Cupang at ang isa naman ay mula sa Brgy. Putatan.
Dahil dito, umabot sa kabuuang 39,879 ang bilang ng kompirmadong kaso ng CoVid-19 sa lungsod, habang nasa 39,258 indibidwal ang gumaling sa naturang sakit.
Walang naitalang bagong nasawi dulot ng CoVid-19. Nanatili ang bilang nito sa 614 binawian ng buhay dahil sa nakamamatay na virus. (GINA GARCIA)