Sunday , December 22 2024
Leni Robredo Kiko Pangilinan Alex Lacson

Atake, dirty tricks vs VP Leni dagsa — Lacson

INAASAHAN na mas marami pang ‘dirty tricks’ at propaganda laban sa kampo nina Vice President Leni Robredo at dating senador Francis “Kiko” Pangilinan sa mga susunod na araw habang umiinit ang kampanya para sa halalan ngayong taon.

“They are feeling the heat that’s why they are going full throttle with propaganda to counter the vice president’s advance,” ani senatorial aspirant Alex Lacson.

Aniya, tradisyonal na diskarte na ng politiko na hilahin ang nangungunang karibal,” dagdag ni Lacson, na tinutukoy ang “red-tagging” at ang iba pang ‘dirty tricks’ na lumalabas laban kay Robredo ngayong linggo.

“Maliwanag na ‘yan ay propaganda, wala silang mahanap sa aming kandidatong si VP Leni, sa kanyang pagkatao, sa kanyang track record, kaya naghahanap ng ibang isyu,” ani Lacson.

Sinabi ni dating kongresista Teddy Baguilat, tumatakbong senador sa ilalim ng banner ng Robredo-Pangilinan, nagsimula ang ‘dirty tricks’ noon pang 2016 para ilihis ang atensiyon ng publiko sa mga totoong isyu.

Tiniyak niyang ang kampo ng Robredo-Pangilinan ay walang alyansa sa mga komunista, bagama’t idinagdag niya na bukas ito sa peace talks upang malutas ang problema sa insurgency.

Sinabi ni Baguilat, ang bilang ng mga taong dumalo sa political rallies ni Robredo ay  nagpapakita na ang ‘dirty tricks’ ay hindi umeepekto.

“The more they put her down, the more that people are seeing her,” ani Baguilat.

Sinabi ni dating kongresista Erin Tañada, campaign manager ng senatorial slate ng Robredo-Pangilinan camp, kung referendum ang pagdalo sa rally, makikita na tinanggihan ng mga tao ang mga paninira.

“Sa rallies, ang daming taong Simbahan, maraming doktor, at pati millennials whose motto is to prosper ethically in a capitalist world,” aniTañada.

Sinabi ni Lacson, sa simula pa lang ay tinanggihan na ni Robredo ang karahasan bilang kasangkapang pampolitika at ideolohiyang komunista. “It is of public record,” ani Lacson.

“Compare this to Duterte shouting ‘Mabuhay ang NPA!’” ani Lacson. Idinagdag na pinayagan ng presidente na magmartsa ang mga rebelde sa Davao.

Ani Lacson, “Imelda, Marcos’ mother, waltz with Mao, or make beso-beso with the old Soviet leaders.”

“May resibo sila. Kay VP, wala,” pagtatapos ni Lacson. (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …