Friday , November 15 2024
YANIG ni Bong Ramos
YANIG ni Bong Ramos

Alert level 1 sa NCR at karatig, ayos

YANIG
ni Bong Ramos

AYOS ang lagay ng National Capital Region (NCR) at iba pang lugar sa bansa sa ilalim ng alert level one, habang patuloy na bumababa ang kaso ng CoVid-19, isang linggo na ang nakalilipas.

Ito ang pinakamababang level ng ating quarantine status, kaya lumalabas na normal na ang lahat ng mga kalakaran, partikular ang kalakalan, hanapbuhay, transportasyon, negosyo, at marami pang iba.

Puwede rin lumabas at magpunta kung saan-saan sa alert level 1 ang lahat ng indibidwal na walang pinipiling edad, maging bata man o matanda, bakunado man o hindi, walant itatangi at walang pipiliin.

Kung dati ay 30-50 porsiyento, ang puwedeng papasukin sa mga simbahan, bahay-sambahan, at iba pang mga establisimiyento, ngayon ay 100% all at hindi na ‘sana all.’

Maganda at magaling din ang timing dahil sa nala-lapit na eleksiyon, na kailangan ng mga kandidatong mangampanya nang puspusan dahil hindi rin mapi-pigilan ang agos ng maraming tao.

Nag-uumpugan muli ang mga tao sa mga mall, palengke at iba pang mga establisimiyento. Walang puwang at espasyo ang mga pasahero sa lahat ng pampublikong sasakyan. Siksikan, may nakatayo at mayroon na rin nakasabit.

Sa situwasyong ito, hindi applicable ang health protocol na physical-distancing, na obvious naman, ‘di po ba?

Isang mahalaga at importanteng health protocol ang dapat natin tuparin at sundin, iyan ang pagsusuot ng ating face mask kahit saang lugar o establisimiyento magpunta.

Wearing of mask is a must. Hindi na baleng hindi masunod ang physical distancing basta’t nakasuot ng ating face mask dahil ito na lang ang tanging proteksiyon natin.

Nasa new-normal man tayo ngayon, iba pa rin ang nakasuot ng face mask upang hindi mag-excursion ang ating mga laway at hininga.

To each his own ‘ika nga. Langhapin natin ang sarili nating mga hininga at huwag nang ipalanghap sa iba. Ito na siguro ang da best upang pangalagaan at proteksiyonan ang ating sarili.

Harinawa’y manatili ang ganitong kalakaran kahit anong situwasyon ang dumating, campaign period man, eleksiyon man hanggang sa pagpapalit ng bagong administrasyon, sana’y ganito pa rin.

Sana’y matapos ang panahon ng pandemya at nawa’y malagpasan natin lahat ang krisis at paghihirap ngayon at magpakailanman.

CHECKPOINT-KOTONG

SA TONDO, MAYNILA

Inirereklamo ng maraming motorista partikular ang mga rider o mga nakamotorsiklo ang isang checkpoint sa Tondo, Maynila na umano’y masyadong pet-malu ang mga nagmamandong pulis.

Sinabi ng ilang motorista, sobrang abala ang kanilang inaabot sa mga pulis dito na pinamumunuan ng isang police major sa panulukan ng Pritil at Juan Luna sa Tondo, Maynila.

Dati raw ay mga walang helmet lang ang sinisita at pinahihinto sa nasabing lugar ngunit ngayon daw ay hinahanap na ang lahat mula lisensiya hanggang OR-CR ng minamanehong motor.

Wala pa man daw nilalabag na traffic violation ang mga motorista, bakit lisensiya agad at OR-CR ang pini-pilit hanapin kung kaya’t marami ang nagtatanong kung ito raw ba ay legal.

Ayon naman sa iba na may ipinakitang lisensiya at iba pang dokumento, ibang butas naman daw ang hahanapin tulad ng nagmamaneho ng naka-shorts at nakatsinelas. Wala raw kalusot-lusot.

Ang checkpoint na ito ng Pritil detachment na nasa ilalim ng MPD-PS1 sa Raxa Bago, Tondo, Maynila ay nakaugalian ang paninita dakong 5:30 pm – 6:30 pm kung kailan rush hour.

Dinaig pa ang mga regulasyon sa lockdown status na puwede talagang sitahin ang lahat ng sasakyan nguni’t malaki nga naman daw ang sitwasyon ng lock-down at alert level 1.

Sa nasabing checkpoint, kulang na lang daw hingin ang kanilang certificate of vaccination at permit to travel. Tsk tsk tsk.

Ayon sa ating mga nakapanayam, ang mga motor daw na may violation ay dinadala sa impounding area ng MTPB sa Quiapo, Maynila, kung saan sila pinagmumulta.

Idinagdag na hati raw o 50-50 sa halaga ng pagka-katubos ng motor ang ilang kawani ng MTPB at mga pulis na nag-escort sa mga motor sa nasabing himpilan.

Totoo man o hindi ang nasabing reklamo, bigyan natin ng konting konsiderasyon at luwag ang mga motorista gayong nasa alert level 1 na ang NCR at iba pang lugar sa bansa, ‘di po ba?

About Bong Ramos

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …