DAHIL sa lumalalang sitwasyon sa seguridad sa Ukraine, itinaas ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa alert level 4 status para sa lahat ng lugar sa Ukraine para mandatory repatriation.
Sa ilalim ng Crisis Alert Level 4, ang pamahalaan ng Filipinas ay nagsasagawa ng mga mandatory evacuation o pamamaraan ng paglikas na gastos ng gobyerno.
Ang mga Filipino sa Ukraine ay tutulungan ng Philippine Embassy sa Poland at ng Rapid Response Team, na kasalukuyang tumutulong sa mga Filipino nationals para sa repatriation at relocation.
Pinayohan ng naturang ahensiya ang mga Filipino sa Ukraine na makipag-ugnayan sa pamamagitan ng Philippine Embassy, maari rin sa 24/7 contact details ng Embahada ng Filipinas sa telephone number 48 604 357 396 Tumatanggap din ng mga tawag ang Embahada sa VIBER at WHATSAPP.
Sa ngayon ay patuloy na naka-monitor ang DFA sa lumalalang sitwasyon sa Ukraine. (GINA GARCIA)