UMABOT na sa P10.00 ang taas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Ngayong Martes P6.00 ang idinagdag sa pump prices sa diesel ng mga kompanya ng langis na mas mababa nang kaunti ang idinagdag sa gasolina at kerosene.
Ang dalawang malalaking kompanya ng Petron Corporation at Pilipinas Shell ay nag-anunsiyo nitong Lunes, 6:00 am ng Martes ang dagdag na P5.85 sa kada litro ng diesel, P3.60 sa gasolina at P4.10 sa bawat litro ng kerosene.
Gayondin ang oras na magsisimula ang Seaoil Philippines sa ipapataw na dagdag presyo sa kanilang mga produktong diesel, gasolina at kerosene.
Habang ang Chevron (Caltex) Philippines, isa sa pangunahing kompanya ng langis sa bansa ay magpapatupad ng katulad na dagdag presyo sa kanilang mga produktong petrolyo 12:01 am.
Ang mga independent oil companies na walang kerosene, ang PTT Philippines, Petro Gazz, Total Philippines, Phoenix Petroleum, Unioil at Jetti Oil, gaya rin ng presyo katulad ng dagdag sa presyo ng diesel at gasolina habang ang Clean Fuel ay 4:01 pm magtataas.
Sinabi ni PTT Philippines Communication Officer Jhay Julian, ang linggohang price adjustment ay dulot ng paggalaw ng presyo sa world market. (GINA GARCIA)