Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ina Alegre Neal Buboy Tan James Blanco 40 Days

Mayor Ina Alegre ‘pinahirapan’ ni Direk Neal Tan

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

AMINADO si Pola Mayor Ina Alegre na nahirapan siya sa muling pag-arte sa harap ng kamera. Nangyari ito sa idinireheng pelikula ni Neal Buboy Tan ang 40 Days handog ng ComGuild Productions na pinagbibidahan din nina James Blanco, Michelle Vito, at Cataleya Surio.

Sobrang hirap dahil sa tagal na hindi ako gumawa ng pelikula medyo nahirapan ako sa pag-arte pero andyan naman si James na umalalay sa akin at nag-coach,” ani Ina.

Sinabi pa ni Mayor Ina na isa sa challenge sa muli niyang paggawa ng pelikula ay kung ano ang magiging outcome nito. “Siyempre naiisip natin kung ano ba magiging outcome ng movie at magugustuhan ba ni direk? Siyempre si direk ang iniisip ko ‘yung ano bang qualities ang magugustuhan niya? Tama ba ang acting ko? Andito pa ba ako sa showbiz? Paano ko dadalhin ang mga manonood doon sa karakter na mayroon ako.

“Sobrang hirap, sa sobrang tagal na hindi gumawa ng pelikula medyo nahirapan ako sa pag-arte,” paliwanag pa ng mayora na muling tumatakbong mayor sa ikalawang pagkakataon ng Pola, Mindoro.

Sinabi pa ni Ina na na-challenge siya sa mga kasamahan niyang aktor dahil lahat ay magagaling.

Naikuwento pa ni Mayor Ina na naiyak siya nang muli niyang mapanood ang kanilang pelikula. Ipinakikita kasi sa pelikula ang challenge na kinaharap nito niya nang magkaroon ng pandemic na kinailangan niyang makauwi sa pamilya bagamat nagkaroon ng lockdown.

Ipinakikita rin sa pelikula ang kahalagahan ng pamilya na anumang hirap, sakripisyo o sakit haharapin lahat basta para sa pamilya gayundin ang matibay na paniniwala sa Panginoong Diyos.

Ukol naman sa kung ipalalabas ba ang 40 Days sa Netflix sinabi nitong on process at depende sa magiging usapan. “Napakaganda ng movie kaya iniisip pa natin kung saan talaga ipalalabas. At habang pinapanood ko naaantig pa rin ang puso ko kahit ako pa rin ang andoon. 

Hindi pa sure kung maipalalabas commercially since may pandemic pa. May usapan kami na gusto naming ipalabas abroad pero uunahin muna natin ang mga special screenings sa Pilipinas at saka natin ibenta sa Netflix then ibenta abroad,” paliwanag ni Mayora.

Naikuwento naman ni direk Neal na mapapagod ang manonood sa kanyang pelikula dahil pinaglakad niya si Mayora Ina ng 40 days.

Aminado naman ang Mayora na talagang napagod siya. “‘Yung pagod totoo kahit hindi naman talaga 40 days ako naglakad pero napagod ako dahil magkasabay na trabaho sa pagiging punong bayan iyong  paggawa ng pelikula.

“Kasabay din ang negosyo, sabay-sabay siya. Pagod ako sa acting pinapahirapan kasi ako ni direk Neal Tan ha ha ha. Tingin ko kasi na perfect na para sa akin pero pinauulit pa niya, silang dalawa ni James (Blanco, na kasama rin sa pelikula at umalalay sa akting ng mayor) para sa kung ano pa ang pwede kong gawin sa eksena.”

Sinabi pa ni Ina sa isinagawang press conference pagkatapos ng advance screening na isinagawa sa isang gymnasium sa Pola, Mindoro na, “nasisiyahan ako sa outcome ng movie sa paulit-ulit nilang sinasabi na sige pa, kulang pa, gawin mo pa ito. Natutuwa na nai-guide nila ako nang husto. Kaya James maraming salamat.”

Sa huli, gustong maka-inspire ng pelikulang 40 Days na anumang problema ang dumating sa ating buhay laging may solusyon at laging kakapit sa Itaas dahil Siya lamang ang makatutulong sa atin. Likas ding matulungin ang tao na bagamat may problema o hirap na kinakaharap, may tutulony at tutulong pa rin.

Sa kabilang banda, masaya si Mayor Ina gayundin ang mga Polaeno dahil noon lamang nagkaroon ng screening sa kanilang lugar. Kaya naman talagang ipinakita ng mga Polaeno ang kanilang suporta sa Ina ng kanilang Bayan dahil napuno ang pinagdausan ng advance screening. Bukod sa mga cast at iba pang bumubuo ng 40 Days,sinuportahan din ang screening ng vice mayor ng Pola, Board Members gayundin ng ibang mayor ng bayan ng Mindo at ang tumatakbong Vice Governor ng Mindoro na si Ejay Falcon. Sumuporta rin ang manager ni Liza Soberano na si Ogie Diaz na matagal nang kaibigan ng Pola Mayor.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …