Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Liza Dino Vice Ganda

Liza nagpaliwanag sa parangal ni Vice Ganda sa 6th FAN

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

IPINALIWANAG ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson at CEO na si Liza Dino Seguerra ang pagkakasama ni Vice Ganda sa mga pararangalan sa 6th Film Ambassadors’ Night na gaganapin sa February 27, 2022 sa makasaysayang Manila Metropolitan Theater.

Nagwagi si Vice Ganda noong Disyembre bilang Best Entertainment Host sa 2021 Asian Academy Creative Awards para sa ABS-CBN show na Everybody Sing.

Ayon kay Chair Liza, malaking honor ang ibinigay sa Pilipinas ng pagkapanalo ni Vice sa prestihiyosong award-giving body. Kaya kahit hindi sa larangan ng pelikula at sa kategorya sa telebisyon nagwagi si Vice ay marapat lang na bigyan ang Unkabogable Star ng parangal ng FDCP.

He won, he won in Asian Academy Creative Awards! Why can’t we celebrate him? It’s actually that international award-giving body that gave him that award. Parang what’s the issue for us to not give him his due recognition,” paliwanag ni Chair Liza.

Bukod kay Vice, may iba pa rin naman sa larangan ng telebisyon na nanalo internationally na pararangalan sa Film Ambassadors’ Nightng FDCP.

Nagpasabi na si Vice na hindi makadadalo sa pagpaparangal ng FDCP dahil may previous commitments at taping ito. Pero nagpapasalamat ang Unkabogable Star sa pagkilala ng FDCP.

May mensahe pa si Chair Liza kay Vice, “Congrats, Vice! Sayang hindi ka makakarating but we’re  so proud of you. We just want to let you know that the industry is celebrating your feat in representing the country.”

Samantala, masaya rin si Chair Liza para kay Vice sa nakaraan nitong Las Vegas wedding with Ion Perez. And wish niya na sana magtagal pa ang pagsasama nina Vice at Ion katulad ng pagsasama nila ni Ice Seguerra.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …