Saturday , November 16 2024
knife saksak

Sa Romblon
INA, 2 ANAK MINASAKER SUSPEK ARESTADO

NASAKOTE ng mga awtoridad nitong Biyernes, 28 Enero, ang isa sa mga suspek sa pamamaslang sa isang ina at kaniyang dalawang anak sa kanilang bahay sa bayan ng San Jose, lalawigan ng Romblon.

Noong Miyerkoles, 26 Enero, natagpuan ang walang buhay at tadtad ng mga saksak na katawan ng mga biktimang kinilalang sina Wielyn Mendoza, 29 anyos, single mother, at kaniyang mga anak na sina TJ at JB, siyam at pitong taong gulang, sa kanilang bahay sa Sitio Upper Hinuluga, Brgy. Poblacion, sa nabanggit na bayan.

Nadakip dakong 6:00 pm noong Biyernes, ang isa sa apat na persons of interest, kinilalang si Patrick Cahilig, 35 anyos, matapos ituro ng saksing si Charlie Seraspi.

Ayon sa pulisya sa kanilang naunang ulat, nagpunta umano ang mga biktima sa birthday party ng kanilang kapitbahay noong Martes, 25 Enero, at umuwi kasama si Seraspi, isang kamag-anak, saka natulog sa hiwalay na kuwarto sa loob ng bahay ni Mendoza.

Bandang 1:00 am noong Miyerkoles, nagising umano si Seraspi sa tunog ng kadena saka niya nakita ang suspek na si Cahilig na lumalabas ng bahay saka muling natulog.

Dagdag ng pulisya, nakilala ni Seraspi si Cahilig dahil live-in partner umano ang suspek ng kaniyang ina.

Dakong 8:00 am nang gisingin ng mga kapatid ng biktimang sina Warlito at Wilbert Mendoza si Seraspi at sinabi sa kaniyang patay na ang mag-iina.

Ayon kay P/Maj. Loreto Maulion, hepe ng MIMAROPA Police PIO, hindi umamin ang suspek sa krimen kaya hindi pa nila matukoy ang motibo sa likod ng pamamaslang.

Nakasaad sa ulat ng San Jose police, kasama sa mga nag-aayos ng bahay ni Wielyn ang suspek na tinanggal sa trabaho sa hindi malamang dahilan.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek habang inihahanda ang mga dokumento para sa inquest proceedings sa provincial prosecutor sa bayan ng Odiongan para sa tatlong bilang ng kasong murder.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …