Saturday , November 16 2024

Publiko pinag-iingat sa mga pekeng survey

PINAG-IINGAT ang publiko ng samahan ng mga “politicial analyst at statistician” hinggil sa mga kumakalat na mga pekeng survey sa bansa.

Ayon kay Ralph Rodriguez, tagapagsalita ng grupo, dapat ay maging maingat ang publiko at huwag maniwala sa mga ‘fly-by-night’ survey results.

Naging sentro ngayon at usap-usapan ang Pulso ng Pilipino “The Center” o Issues and Advocacy Center sa usaping “political surveys”.

Sinabi ni Rodriguez, ang “The Center” ay isang Public Relations o PR consultancy na pinatatakbo ng isang tao lamang.

“How can you do or conduct political surveys na hindi naman siya eksperto—kung “pr man” ka ibig sabihin nagpapabango ka ng politiko, ayon kay Rodriguez.

Sa pahayag ni dating secretary at mayor Hernani Braganza, na pamangkin ni dating Presidente Fidel Ramos, walang koneksiyon ang dating pangulo sa taong nagpapatakbo ng The Center at lalo sa kaniyang opisina.

Makikita sa mga resulta ng inilalabas na survey ng The Center sa mga nakaraang eleksiyon, na palaging pagkapalpak.

Ilan dito ay noong 1998, lumabas sa survey ng The Center na panalo raw si Joe De Venecia, sumunod ay sure winner naman daw si Manny Villar (2010), pero natalo ng malaking margin sa Presidential race.

Maging sa lokal na halalan, si Pres. Ridrigo Duterte at Mayor Inday Sara siguradong talo na raw sa pagka-mayor and vice mayor noon sa Davao City pero nanalo nang landslide.

“Nababahala kami dahil maaaring gamitin ng mga illegal survey group para ikondisyon ang utak ng mga botante. Ayaw natin mangyari ‘yan kaya mag-ingat tayo,” pahayag ni Rodriguez.

Nabatid, ang mga lehitimong political survey firm sa bansa ay ang Social Weather Station (SWS), Pulse Asia, Ibon Foundation, Publicus Asia Inc., RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD), Laylo Research Strategies at Philippine Survey and Research Center (PSRC).

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …