Friday , November 15 2024

Pitmaster Foundation muling namahagi ng P20-M homecare kits

MULING namahagi ang Pitmaster Foundation ang P20 milyong halaga ng homecare kits sa 17 local government units sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay Atty. Caroline Cruz, Executive Director ng Pitmaster Foundation, “Ito ay ilan lamang sa mga inisyatibang ipinagpapatuloy ng Foundation upang maiwasan ang CoVid-19 lockdown, matulungan ang health workers, at maprotektahan ang maliliit na negosyo.”

Sinabi ni Cruz, ang direktiba sa kanila ng kanilang Chairman na si Charlie “Atong” Ang ay tulungan ang mga LGU sa NCR sa laban nila sa CoVid-19 at suportahan ang CoVid-19 Response Program ng pamahalaan.

Ayon kay Atty.Cruz,  ang mga alkalde ang nag-request ng naturang home care kits para magamit ng kanilang constituents.

Laman ng bawat home care kits ay lagundi herbal medicine, vitamin C plus Zinc, Lola Remedios syrup, digital thermometer, face mask, paracetamol, bactidol, alcohol, at pamphlet tungkol sa pag-iwas sa CoVid-19.

Nangako ang mga alkalde na kaagad ipamamahagi ang mga kits sa kanilang constituents.

Mula nang itatag ang Pitmaster Foundation, hindi na tumigil sa pagtulong, pagbibigay ng ayuda, o suporta sa bawat kapos-palad na kababayan at sa pamahalaan.

Naunang namahagi ng P50 milyong cash at P50 milyong antigen test kits ang Pitmaster Foundation sa mga alkalde nitong nakaraang linggo para sa anti-CoVid-19 drive ng gobyerno.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …