Sunday , May 4 2025

Defensor kinutya sa mga maling paratang sa QC

012622 Hataw Frontpage

HATAW News Team

KAMAKAILAN may mga ikinalat si Anak Kalusugan Party-list representative Mike Defensor na paratang at alegasyon laban sa lokal na pamahalaan ng Quezon City.

Ngunit mukhang nag-backfire ito kay Defensor dahil sa kontrapunto ni Quezon City Spokesperson Pia Morato, na nagmistulang katatawanan ang mismong nag-akusa.

Ayon kay Defensor, kinukuwestiyon ng Commission on Audit (COA) ang kairalan ng pandemic procurements ng lungsod, na nagkakahalaga ng P479 milyon. Lumabag din umano ang city government sa mga regulasyon ng procurement law.

Dagdag ni Defensor, ang mga pahayag na ito ay galing umano sa pinakabagong COA report, na kaka-post lang daw sa website ng COA.

Ngunit kung titingnan ang website ng COA, wala naman bagong post o report dito. Sa katunayan, ang mga alegasyon ni Defensor ay batay sa report na naka-post sa website ng COA noong Hulyo 2021 pa.

Ito ay “partial section”, o maliit na bahagi lamang, ng year-end audit report ng Quezon City para sa taon 2020.

“Palagay ko ay panahon na para kumuha ng mas mahusay na researcher at PR team ang panig nina Defensor,” ayon kay Morato.

Ipinaliwanang ng spokesperson, noong ipinadala nila ang kanilang statement sa media, nag-research ang mga reporter at editor para alamin kung totoo nga ba ang mga paratang ng kampo ni Defensor.

Doon nila nakita na galing ito sa year-end COA report na iginawad sa Quezon City ang pinakamataas na audit rating sa buong kasaysayan ng lugar. Ang intensiyon nila ay sirain ang reputasyon ng QC LGU, pero kabaliktaran pa ang nangyari.”

Sa 42 pahina ang buong COA report, ang mga bintang ni Defensor ay kinuha lamang sa tatlong pahina nito. Ang umano’y pagkuwestiyon ng kairalan ng P479 milyon para sa pandemic procurements ay wala rin sa nasabing report, ngunit may payo ang COA na dapat makompleto ng QC, ang mga requirement upang mapag-aralan ito ng ahensiya.

Ipinahayag ni Morato, “sa loob ng ilang linggo lamang, ipinasa ng QC LGU ang lahat ng supporting documents kaugnay nitong P479 million. Dahil sobrang nasiyahan ang COA sa aming paperwork at transparency, binigyan nila kami ng highest unqualified opinion para sa buong taon.”

“Mukhang masyado nang matagal sa loob ng bahay si Rep. Defensor, kaya ‘ata siya nalilito. 2022 na, ‘wag na tayo mag-imbento at gumawa ng mga kuwentong minero, lalo na tungkol sa mga bagay na nangyari noong 2020 pa,” pagtatapos ni Morato.

About hataw tabloid

Check Also

3RDEY3 AI

Prediction ng AI: Abby Binay, puwedeng malaglag sa Magic 12

KUNG pagbabatayan ang pag-aanalisa ng artificial intelligence ng 3RDEY3 (@3RD_AI_) na naka-post sa X, may …

Comelec Vote Buying

2 kapitan umangal sa vote buying vs Cong sa Aklan

IBINULGAR ng dalawang barangay chairman na nagsampa ng disqualification case laban kay Aklan 2nd District …

Move it

TWG sa Move It: Itigil operasyon sa Cebu at CdO

PINATAWAN ng Motorcycle Taxi Technical Working Group (MC Taxi TWG) ng parusa ang Move It …

Sulong Malabon

Sulong Malabon movement todo suporta sa kandidatura ni mayor Jaye Lacson-Noel at congressman Lenlen Oreta

TAHASANG nagpahayag ng suporta ang multi-sectoral movement na Sulong Malabon sa tambalan nina Congresswoman Jaye …

Comelec Money Pangasinan 6th District

Sa Distrito 6 ng Pangasinan
Rep. Marlyn Primicias-Agabas nagreklamo sa COMELEC at PNP vs malawakang vote buying

NAGHAIN ng dalawang magkahiwalay na liham si Representative Marlyn Primicias-Agabas ng Distrito 6 ng Pangasinan …