SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
TILA nanalo sa lotto ang pakiramdam ni Cindy Miranda nang i-offer sa kanya ang Reroute ng Viva Films.
Anang beauty-queen hindi rin siya makapaniwalang makakatrabaho niya ang magagaling na aktor na sina John Arcilla at Sid Lucero.
Ang Reroute ang bagong pelikula ni Cindy sa Viva Films na napapanood na sa kasalukuyan sa Vivamax na idinirehe ni Lawrence Fajardo.
“This is my best movie yet,” sambit ni Cindy.
“Hindi pa ako nananalo sa lotto, but I felt that way,” nangingiting giit pa ng aktres. “Walang second thoughts. Excited ako agad to be part of this movie.”
Sinabi pa ni Cindy na kakaiba ang “Iba ‘yung intensity nitong ‘Reroute’ sa drama. Sobrang gagaling ng mga kasama ko.”
Isang suspense-thriller ang Reroute na ginagampanan n Cindy ang papel na asawa ni Sid. Kasama rin sa pelikula si Nathalie Hart.