HATAW News Team
NAKUHA ni Partido Reporma standard bearer Panfilo Lacson ang atensiyon at paghanga ng mga manonood at maging ng netizens na tumutok sa halos dalawa at kalahating oras ng programang Jessica Soho Presidential Interviews na napanood nitong Sabado ng gabi sa telebisyon at social media platforms.
Mistulang pinakain ng alikabok ni Lacson ang ibang lumahok na presidentiables sa mga tanong ng beteranang mamamahayag tungkol sa mga saloobin at pananaw sa mga usaping kinakaharap ng bansa, kasama ang pagnanakaw sa kaban ng bayan.
Partikular na humanga ang mga netizen sa pagsagot ni Lacson hinggil sa kung ano ang nakikita niyang problema sa bansa at kung paano ito masosolusyonan gaya ng dati pa niyang inihahayag na ang ugat at solusyon sa mga problema sa ating bansa ay nasa gobyerno rin.
“Ang isang kamalian nating mga Filipino: tumigil tayong mangarap. We have become dreamless, hopeless and helpless. Ang dapat dito baguhin ‘yung attitude ng ating mga kababayan sa ating gobyerno. Kaya nga dapat ang manguna sa pagbabago ng attitude ng mga Filipino ‘yung gobyerno mismo,” ayon kay Lacson.
Umingay din sa social media ang mga komento ni Lacson sa ‘Isang Salita’ segment ng programa. Pinakapinag-usapan ang pagtawag niya na “Sayang” kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa tinaguriang ‘Dolomite Beach’ sa Maynila na dinugtungan niya pa ng “Sayang pera.”
Ayon sa netizen na si Asoy Salonga (@IamAsoy), “That sayang and naku of Ping Lacson are also some of the people’s answer. Props to him, he is confident despite the fiery questions. In fairness to him. Also props to him for attending the interview despite having Covid the past few days.”
“One of the highlights for me was Ping Lacson’s ‘sayang’ when shown the photo of Duterte. I felt that. Sabay lumabas si Tyra Banks: “I WAS ROOTING FOR YOUUU!” tweet naman ni Martin (@martingeneral).
Kabilang din sa mga tanong na nagpalutang sa mga kakayahan ni Lacson ang tungkol sa kung sinong presidente ang kanyang hinahangaan na agad at walang kagatol-gatol niyang tinugon ng base sa personal na karanasan.
“Ang hinahangaan ko si President PNoy. Unang-una, pinangunahan niya ‘yung “no wang-wang policy” — symbolic. Napakasimple pero napaka-symbolic. Ibig sabihin, walang entitlement. Sa mga nakaraang pangulo natin talagang siya ‘yung hinahangaan ko kasi hindi siya corrupt. ‘Yon ang pagkakilala ko sa kanya dahil nakatrabaho ko siya,” tugon ni Lacson sa tanong ni Soho kung sino sa mga naging presidente ang hinahangaan ng Partido Reporma standard bearer.