Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Paolo Gumabao Brillante Mendoza Kylie Verzosa Mayton Eugenio Vince Rillon

Sisid ni Direk Brillante ‘di lang puro hubaran nagbabaga rin ang emosyon at drama

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI lang puro maiinit na eksena, kundi puno rin ng nagbabagang emosyon at drama. Ito ang nais ipabatid ni Direk Brillante Mendoza sa kanyang pagbabalik-pagdidirehe sa pamamagitan ng pelikulang Sisid na handog ng Viva Films at nagtatampok kina Paolo gumabao, Vince Rillon, Christine Bermas, at Kylie Verzosa.

Ani Direk Brillante, nag-enjoy siya sa paggawa ng Sisid dahil sobra siyang na-challenge. 

Challenge kasing gawin itong Sisid, parang paano magiging interesting ang isang BL movie?,” ani Direk Brillante na first time pa lang gumawa ng BL movie.

Sinabi pa ng premyadong direktor na pinaghirapan nila ang pelikula na hindi basta-basta hubaran lang. “May kuwento ito at marami ring mapupulot na aral. Marami tayong malalamang bago ukol sa relationship.

“It’s a story of love. Ito ‘yung love na totoong pagmamahal. Totoong pagmamahal ng babae sa lalaki at totoong pagmamahal ng lalaki sa kapwa lalaki that are being expressed in different ways,” anang direktor.

Iginiit pa ni Direk Brillante na bagamat ukol sa BL ang pelikula, “Hindi ko talaga tinanggap ‘yung issues about the environment.”

Ang pelikula ay ukil kina Jason (Paolo), isang Marine Biologist na  asawa na si Abby (Kylie) na magpupunta sa Pola, Mindoro. Roon ay naatasan sila  ni Jason na pamunuan ang rehabilitation at preservation ng isang fish sanctuary. Makikilala ni Jason ang kanyang diving assistant na si Dennis (Vince), at mabilis silang magkakasundo. Habang magkasama sa trabaho, mas makikilala nila ang isa’t isa. Makikilala ni Jason ang pamilya ni Dennis sa kanyang mga kuwento, at bilib si Dennis sa pagmamahal ni Jason sa kanyang trabaho. Malalaman din nila ang kani-kanilang malalaking problemang hinaharap. Nabuntis ni Dennis ang kanyang girlfriend na si Tanya (Christine), habang si Jason at Abby naman ay ilang taon nang sumusubok na magbuntis, ngunit bigo sila dahil sa sakit ni Abby.

Sa pagdaan ng mga araw, mahuhulog ang loob nina Jason at Dennis sa isa’t isa at ‘di magtatagal ay bibigay din sila sa tawag ng kanilang katawan. Ngunit magiging magulo ang lahat sa pagkakatuklas ni Abby sa kanilang lihim na relasyon, at mahuhuli sila sa akto ng pagtatalik.  

Panoorin ang mga komplikadong emosyon ng mga relasyon sa  Sisid. Tunghayan ang kanilang Digital World Premiere sa January 18. Sa halagang P499, mauuna mong mamalas ang natatanging kuwento ng Sisid at makipagpakamustahan sa mga cast at sa director nito sa isang espesyal at exclusive one night event. Kinabusakan, January 19, mapapanood na sa Vivamax Plus, ang bagong pay-per-view service ng Viva. Sa halagang P249, mapapanood mo na ang bagong obra maestra ng internationally-acclaimed director na si  Mendoza.

Magsisimula naman ang regular streaming ng Sisid sa March 18 sa VIVAMAX Philippines, Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, the Middle East, Europe, Canada, at America.

 (MVN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …