PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga
EXCITED si Direk Perci Intalan ng The IdeaFirst Company dahil muli siyang babalik sa paggawa ng horror movie.
Ito nga ang ibinalita ni Direk Perci sa kanyang tweet: “After 8 years, almost to the day, I’m going back to the horror genre that got me started as a director. Here we go. Let’s ride this roller coaster and scream our hearts out into the pitch black night.”
Ang award-winning film na Dementia, na directorial debut ni Direk Perci noong 2014, ang unang horror movie na ginawa niya. Pinagbibidahan ito ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor kasama sina Jasmine Curtis, Bing Loyzaga, Yul Servo, Jeric Gonzales, at Chynna Ortaleza.
Natuwa naman si Direk Perci nang batiin namin siya sa Messenger para sa kanyang bagong proyekto. Pero hindi pa siya makapagbibigay ng anumang detalye hangga’t hindi pa nagsisimula ang shoot.