Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Regine Velasquez Ion Perez Vice Ganda

Vice Ganda at Ion Perez nag-donate ng P500k sa ABS-CBN benefit concert ni Regine

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibongga

TUWANG-TUWANG napasigaw at napapalakpak si Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid sa laki ng donasyong ibinigay ng kaibigan niyang si Vice Ganda at boyfriend nitong si Ion Perez para sa mga biktima ng Bagyong Odette na beneficiary ng By Request: A Benefit Concert ng ABS-CBN.

Si Regine ang tampok na OPM artist noong January 9, sa unang gabi ng naturang 10-night ABS-CBN virtual benefit concert series na tatakbo hanggang January 18. Inawit ni Regine ang requests ng mga manonood lalo na ‘yung mga nag-pledge ng donations sa kanyang isinagawang two-hour performance na streamed live sa ABS-CBN’s official channels sa YouTube, Facebook, at Kumu.

Sa tsikahan portion ni Regine at ng online concert host na si Darla Sauler, nabanggit ng huli na nanonood si Vice Ganda at nag-request ng kantang Follow The Sun para awitin ng Songbird. Nagbiro naman si Regine na dapat mag-donate si Vice ng P100,000.

Matapos ang ilang sandali, ikinagulat at ikinatuwa ni Regine ang ibinalita ni Darla na magdo-donate ng P500,000 ang mag-partner na sina Vice at Ion.

“Bakla, may gusto ka pa bang kanta?” pabirong hirit ulit ni Regine kay Vice tapos ay tumawa.

Samantala, ang asawa ni Regine na si Ogie Alcasid ay featured artist nitong January 11, habang si Kyle Echarrinaman noong January 10. Itatampok din sa By Request sa mga susunod pang gabi sina Jed Madela, Yeng Constantino, Darren Espanto, Martin Nievera at iba pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …