Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
AJ Raval Sean de Guzman

Hugas pang-festival — Direk Roman

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

TODONG-TODO. Ito ang iginiit ni AJ Raval nang matanong kung sa bawat paggawa nila ng pelikula ni Sean de Guzman a y ibinibigay ang lahat-lahat. Muling magkasama ang tinaguriang pandemic actors sa pelikulang Hugasng Viva Films na mapapanood na sa January 14 sa Vivamax na idinirehe ni Roman Perez Jr. 

Opo, todo po talaga. Eversince naman po na nagwo-work kami ni Sean lagi naman naming ibinibigay ang best namin. So, marami na rin kaming natutuhan sa mga past project namin. Napagsasama-sama na namin iyon dito sa ‘Hugas’ hindi lang sa lovescenes, sa lahat ng eksena, tulad ng drama o gunfight,” sagot ni AJ.

“Tulad ng sinabi ni AJ, lahat naman ng ginagawa namin na mga eksena o projects ginagawa namin talaga ang lahat nang maibubuhos namin. 

Kaya sa mga makaka-appreciate maraming salamat,” sambit naman ni Sean.

Sa kabilang banda aminado si Direk Roman na mahihirapan siyang lampasan o higitan ang pelikula niyang Siklona talaga namang pinag-uusapan ngayon dahil sa matitinding eksena roon. Si Direk Roman din ang direktor niyon na pinagbibidahan nina Christine Bermas at Vince Rillon kaya naman nasabi nitong napakahirap kalabanin ang sarili.

Sa totoo lang napakahirap talagang kalabanin ang sarili. Pero magkaiba po talaga ang ‘Siklo’ sa ‘Hugas.’ Lemon and orange. Ang ‘Hugas’ kasi makikita natin ang AJ and Sean na hindi dahil nagse-sexy.

“Naikot na natin ‘yung pagiging in character nila at pagiging artista nila. Iyon ang mahihigitan ng dalawang baguhang ito na sina Christine and Vince kasi nakikita natin dito ‘yung range ng AJ Raval sa drama. ‘Yung range ng AJ Raval sa action scenes and ganoon din si Sean. ‘Yung acting range ni Sean hihigitan na niya ‘yung mga kasabayan niya kasi talagang inayos namin ito.”

Sinabi pa ni Direk Roman na, “Pinlano namin ito dahil alam naming aabangan ang hubaran pero aabangan natin dito kung paano nilang nadevelop dalawa ‘yung isa’t isa. Kung paano nadevelop bilang artist.

Nasabi ko nga pang-festival itong ‘Hugas.’ Pinag-uusapan namin ito ni Direk Jon na dapat pagkatapos ng screening sumali kami ng festival kasi ang galing ng dalawa na umarte. Ang galing ni AJ—intonation, drama, timing, ang galing-galing na ni AJ. 

“Kung kakalimutan na natin ang sexy, ‘yun ang lamang nitong ‘Hugas.’ Kakalimutan mo itong sexy part ng ‘Hugas’ tatayo ang buong itorya ng walang sexy pero natutulungan ng kuwentong ito na higitan pa iyong ‘Siklo.’ Kasi iba rin ang twist nito, mas masa-shock ka sa twist nito,” pagtitiyak pa ng tinaguriang pandemic director.

Kasama rin sa Hugas sina Cara Gonzales, Stephanie Raz, Deberly Bancore, Jay Manalo, at Joko Diaz. Gayundin sina Soliman Cruz, Bob Jbeilli, Lester Lansang, Gilleth Sandico, at Lotlot Bustamante.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …