Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cindy Miranda John Arcilla

Cindy nagpaka-fan kay John, kinilig at nagpa-picture

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

BEST movie kung ituring ni Cindy Miranda ang latest movie niya sa Viva Films, ang Reroute na idinirehe ni Lawrence Fajardo at mapapanood na sa January 21.

Nasabi ni Cindy na best movie ang Reroute dahil kasama niya ang aktor na sobra niyang hinahangaan, si John Arcilla. Kasama rin dito sina Nathalie Hart at Sid Lucero.

Inamin ni Cindy sa media conference ng Reroute kamakailan na fan siya ni John at kinilig siya sa unang araw ng kanilang shoot.

This is my most intense movie and of course kasama ko rito si John Arcilla. Nabigyan ako ng chance na makasama ko sa isang film ang isang John Arcilla.

“I had to level up talaga, I was so worried na of course he’s a very, very good actor, yes best actor of the Philippines.

“Noong sinu-shoot namin itong Reroute sabi ko siguro ‘pag tinanong ako kung anong movie ang dapat nilang panoorin sa lahat ng nagawa ko, sasabihin ko sa kanila na panoorin nila itong ‘Reroute.’This is my best movie yet,” sunod-sunod na pangangatwiran ng beauty queen turned actress.

Hindi rin itinago ni Cindy na kaagad siyang nagpa-picture kay John sa unang araw ng kanilang shooting.

Samantala, ang Reroute ay isang sexy-suspense thriller na kuwento ng mag-asawang sina Trina (Cindy) at Dan (Sid) na nagkaroon ng problema  ukol sa trust. Pinaghinalaan ni Dan na may iba si Trina. Bagamat may problema kinailangan nilang puntahan ang tatay ni Dan sa probinsiya na sa pagtungo nila roon doon lalong lalala ang problema nilang mag-asawa.

Ang Reroute ay mapapanood na sa January 21 sa Vivamax.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …