Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Joko Diaz Christine Bermas Vince Rillon

Joko Diaz hirap sa pagiging Pastor Boy

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MARAMI agad ang humanga sa galing ng acting ni Joko Diaz sa ipinakitang trailer ng Siklo ng Viva Films. Siya si Pastor Boy, ang mamamagitan kina Ringo (Vince  Rillon) at Samara (Christine Bernas) at susubok sirain ang mga buhay nito sa pagdawit ng pangalan ni Ringo sa kanyang mga ilegal na transaksyon, at  sa pananakit nito kay Samara. 

Epektibong naipakita kasi ni Joko kung gaano siya kasama at ka-demonyo kaya naman talagang papalakpakan siya sa oras na mapanood siya sa Siklo sa January 7 sa Vivamax.

Ani Joko first time sa kanya ang ibinigay na role sa pelikula. Kaya naman malaki ang pasasalamat niya kay Direk Roman Perez Jr. na umalalay sa kanya.

Aniya, “Sa mga kaartista ko kaeksena, thank you very much for giving me ‘yung pasensiya at tiwala sa mga eksena. Pero ‘yung mga ganitong ginawa first time ko ito. Medyo…”

Hindi pa man natatapos sa pagsasalita si Joko ay biglang nag-sorry si direk Roman. “Nagso-sorry ako kasi sobra talaga. Nahihiya ako kay Kuya Joko, before pa tanggapin ito ni Kuya Joko itong project siyempre may mga anak na rin siya na babae, so talagang napaka-ingat namin sa pagtrato ng pelikula at saka matagal na akong may negosasyon sa kanya para pumayag siya rito. Pero again, nabigyan tayo ng napakagandang performance ni Kuya Joko at inalalayan talaga niya lahat ng mga girls dito.”

Pag-amin ni Joko sa karakter ni Pastor Boy, nahirapan siya at hindi sa mga lovescene na ginawa niya dahil cooperative naman ang mga kaeksena niyang babae.

Nahirapan ako sa karakter ni Pastor kasi kailangan ko siyang pigilin sa tuwing nagka-cut si Direk.

Tapos ihuhulma mo uli ‘yung karakter kapag nag-action na si direk. So sana nagampanan ko siya ng mabuti, sana satisfy si direk. Doon ako nahirapan talaga.”

At para maibalik ni Joko ang mala-demonyong karakter niya, tinutulungan siya ni direk Roman.

Natutulungan ako ni Direk sa lahat ng bagay. Nagtitinginan lang kami niyan parang sinasabi na niya na ‘o ikaw na si pastor simulan mo na.’ So, nakakapag-adjust ako agad and I do my best para hindi ako mapahiya at hindi siya mapahiya lalo na sa manonood ngayong January 7 na first movie ng Viva ngayong taon,” ani Joko. (MVN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …