Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
NET25 Year End Countdown Philippine Arena

Net25 year end countdown sa Philippine Arena matagumpay

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

IBANG klase ang naganap na year-end countdown ng Net25 na ginanap sa Philippine Arena Bocaue, Bulacan noong December 31. Nagliwanag ang kalangitan dahil sa magarbong fireworks display na tumagal ng mahigit 30 minutos .

Isa rin sa highlight ng okasyon ay ang pailaw sa lumilipad na ‘Agila’.  

Kaya naman ganoon na lamang ang kasi­yahan ng mga nag-perform gayundin ng mga nag-abang dito dahil taong 2020 pa huling nagsagawa ng countdown sa Philippine Arena.

Bukod sa hatid na saya ng mga live performance, may mga mapipili ring winners sa ‘Selfie with the Agila’ promo. Habang nanonood kasi ang netizens sa naturang programa, maaaring mapanalunan ang isang brand new car, iphone 13, at samsung s21 phone. Bukod diyan may cash prizes din—limang winners ng P100K, dalawang winners ng P50K, limang winners ng P25K, 25 winners ng P10K, at 25 winners ng P5,000.  

Ang mga nanalo sa ‘Selfie with the Agila’ promo ay iaanunsiyo sa mga programang Kada Umaga at Ano Sa Palagay nyo (ASPN) nina Ali Sotto at Pat-P Daza

Sa countdown, unang nag-perform on stage si Callalily frontman Kean Cipriano kasama ang kanyang bandaat sinundan ito ng Magandang Dilag hitmaker, JM Bales, gayundin nina Ruru Madrid, rapper Rapido, acoustic singer Princess Velasco, at ang south border lead vocalist na si Jay Durias

Nagkaroon din sila ng duet ng With a Smile ni Maureen Schrijvers

Nagpakitang gilas naman sa dance floor sina Athena Madrid, Jon Lucas, at Ms. Emma Tiglao. 

Nasa countdown din sa Philippine Arena ang cast ng Quizon CT na sina Eric Quizon, Epi Quizon, Vandolph Quizon, kasama si Jenny Quizon.

Ang pagsalubong sa Bagong Yaon ay pinangunahan ng Kada Umaga morning show hosts na sina Pia Guanio-Mago, Emma Tiglao, Maureen Schrijvers, Tonipet Gaba, at Wej Cudiamat kasama si Alex Calleja.

Ang bandang Mayonnaise ang nagtapos ng ginanap na masayang year-end countdown. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …