Tuesday , November 19 2024
MTRCB
MTRCB

Mga sinehan sa NCR bukas pa rin — MTRCB

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MAAARI pa ring manood sa mga sinehan. Ito ang nilinaw ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) bilang tugon sa mga nagtatanong kung paano pa nila mapapanood ang mga entry sa 2021 Metro Manila Film Festival kung nasa Alert Level 3 ang National Capital Region.

Ayon sa pahayag ni Executive Director II and Spokesperson Benjo Benaldo, bukas pa rin ang mga sinehan sa NCR sa ilalim ng Alert Level 3.

Ipinaaalam sa publiko na ang mga sinehan sa National Capital Region (NCR) ay mananatiling bukas kasabay ng pagsasailalim sa NCR sa Alert Level 3. 

“Alinsunod sa Inter-Agency Task Force for Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) resolusyon bilang 155, ang NCR ay isasailalim sa Alert Level 3 simula Lunes, Enero 3 hanggang Enero 15, 2022, bunsod ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

“Sa ilalim ng Alert Level 3, ang mga sinehan ay pinahihintulutan na mag-operate sa mga sumusunod na maximum allowed capacities, sa kondisyon na ang mga on-site na empleyado nito ay fully vaccinated:

Indoor Cinemas: 30% para sa mga fully vaccinated.

“Outdoor Cinemas: 50%.

“Kami ay nananawagan sa publiko na maging mga responsableng manonood sa pamamagitan ng pagsunod sa minimum public health standards. 

“Hinihikayat din namin ang mga mamamayan na magpabakuna na laban sa COVID-19 sa pamamagitan ng inyong mga lokal na pamahalaan. 

“Sama-sama po tayo tungo sa isang malusog, ligtas, at masaganang bagong taon.”

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MTRCB Tara, Nood Tayo Lala Sotto

MTRCB, PCO, PIA, at OES nagkasundo sa pagsusulong ng Responsableng Panonood

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ILULUNSAD ng ilunsad ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) …

Edu Manzano Shaina Magdayao Kim Atienza

Batas vs piracy paigtingin, Pinoy nahaharap sa matinding panganib (Edu, Kuya Kim, Shaina nagpahayag ng suporta)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAS mataas ang mga cyberthreat na haharapin ng mga Filipino …

Miss Universe crown

Crown sa Miss Universe gawa ng Pinoy

I-FLEXni Jun Nardo KAHIT hindi manalo bilang Miss Universe ang pambato ng bansa na si Chelsea Manalo, panalo …

Roderick Paulate Mga Batang Riles

Roderick balik-GMA, ABS-CBN masikip na sa 2 Rhoda

I-FLEXni Jun Nardo NATUWA naman kami nang makita si Roderick Paulate sa trailer ng coming GMA series na Mga Batang …

Tom Rodriguez

Tom walang issue ang pagkakaroon ng anak

HATAWANni Ed de Leon INAMIN na ni Tom Rodriguez na may anak na siyang lalaki na apat …