SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
BONGGANG-BONGGANG bading si Markki Stroem habang on going ang virtual media conference ng pinagbibidahan niyang serye, ang My Delivery Gurl ng Cignal TV. Hindi ko alam kung in character pa rin siya ng mga oras na iyon o ‘yun na talaga siya. Effective nga kasi.
Kaya napaisip ako na kung sino kaya ang mas magaling sa kanila ni Christian Bables na gumanap na bading? Siguro magandang pagsamahin sila sa isang project ano?! Alam naman natin na isa si Christian sa epektibong gumaganap na bading kaya sa paglabas ni Markki, may kakompetensiya na sya sa ganitong karakter.
Bago ang media conference mayroon munang private screening ng pilot episode ng serye at masasabi naming magaling at ang ganda-ganda ni Markki.
At dahil sa napakagana ni Markki sa seryeng My Delivery Gurl dalawa ang love interests niya, sina Victor Basa at Rocky Salumbides. Isa siyang drag queen na nawalan ng work dahil sa pandemic kaya naman naging delivery girl siya.
Maayos din ang pagkakadirehe ni Carlo Enciso Catu sa serye na produced ng Cignal Entertainment at Epic Media at mapapanood na sa January 1, 2022.
Ayon kay Markki, mas comedy, family drama na hindi drama, kundi sitcom ang serye. ”Same rom-com concept, pero ‘yung bida, drag queen.
“Sa story, nawalan ako ng work because of the pandemic, o because of recession. So, pumunta ako sa Baguio, naging delivery girl ako na naka-drag pa rin ako and when I deliver the packages, may performances,” aliw na pagkukuwento ni Markki.
“Hindi lang sex toys ang idini-deliver ko, iba-ibang klaseng bagay. So, it’s a drag comedy romcom,” sambit pa niya.
Walong episodes ang My Delivery Gurl at kasama rin dito sina Madeleine Nicolas, Pipay Kipay, Sky Teotico, at EJ Panganiban.