Saturday , December 21 2024

Pasko para sa mga sinalanta ng Odette

FIRING LINE
ni Robert B. Roque, Jr.

HABANG isinusulat ito, ang bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng bagyong Odette ay halos umabot na sa 170 katao. Sa katatapos na COP26 Summit sa Glasgow, binigyang-diin ng mga siyentista na palakas nang palakas at lalong nagiging mapaminsala ang mga bagyo habang patuloy na tumataas ang temperatura ng planeta dahil sa climate change na dulot din ng sangkatauhan.

Ang matinding pinsalang idinulot ng pananalasa ng Odette sa maraming lugar sa bansa ay isang patunay na kabilang ang Filipinas sa mga bansang pinakadelikado sa epekto ng climate change. Hindi lamang tayo nagbibilang ng mga nasasawi, kundi nanlulumo rin sa mga nawasak na tanimang handa na sana sa anihan, sa mga loteng dating kinatatayuan ng mga bahay, sa kadilimang dulot ng nawalang supply ng koryente, habang napapaisip sa napakatagal na panahong gugugulin sa pagsasaayos o pagtatayong muli ng mga impraestrukturang winasak ng bagyo. Sa walong rehiyon, halos 300,000 katao ang inilikas.

At sa loob lamang ng ilang araw, inaasahan na ng bansa ang pagdiriwang nito ng pinakamasayang okasyon sa buong taon – ang Pasko!

Kasabay ng panawagan ng Firing Line sa mga mambabasa nito na makibahagi sa pagtulong para maibsan ang kaawa-awang kalagayan ng ating mga kababayang sinalanta ng Odette, ilalaan ko ang kolum na ito sa mga pinagkakatiwalaang organisasyon na sisiguraduhin ang inyong mga donasyon ay garantisadong maiaabot sa mga naapektohan, nangangailangan, at nawawalan ng pag-asa.

Ang Second Chances, katuwang ang Philippine Coast Guard, ay tumatanggap ng mga tents, construction materials – tulad ng plywood, martilyo, pako, knobs, generator sets, rechargeable o solar lights — bottled water na nasa gallon, food packs, bigas, ready-to-consume food, kumot, hygiene kits, toiletries, kulambo, tsinelas/sapatos, gamot, at laruan ng bata. Ang drop-off ay mula 8:00 am hanggang 3:00 pm ngayon at bukas at hanggang tanghali ng Disyembre 23 sa 81 King Henry St., Kingspoint Subdivision, Bagbag, Novaliches, Quezon City. Para sa mga magpapadala via Grab, makipag-ugnayan kay Nerissa sa 09209723466; PIN: Lexaron Marketing.

Nangangailangan ng volunteers ang Robredo People’s Council at Tanging Yaman Foundation para sa pagre-repack ng relief goods at pagtanggap ng mga donasyon sa LeniKiko2022 Volunteer Center sa 284 Katipunan Avenue, Quezon City (entrance sa 33 Esteban Abada St.) Para sa cash donations, idiretso ito sa Tanging Yaman Foundation, Metrobank: 448-7-44801314-2 (Tañong Marikina Branch); BPI: 9601-0002-42 (Loyola Heights Branch). Ipadala ang transaction/deposit slip sa [email protected].

Tumatanggap naman ang Tulong Manileño Bayanihan Drive ng mga relief donations sa 813-A P. Noval St. corner S.H. Loyola St., Sampaloc, Manila sa pamamagitan ng contact person na si Marissa David, sa 0969-4596261, 0969-4596262, at 0927-7971723. Ang cash donations ay tatanggapin ng Kaagapay ng Manileño Foundation Inc. sa PNB Account Number: 167770003504; Account Name: Kaagapay ng Manileño Foundation Inc.

*              *              *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …