Monday , December 23 2024
Dingdong Dantes

Dingdong emosyonal nang mapunta sa Jerusalem

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

SUMALANG agad si Dingdong Dantes sa virtual media conference ng kanyang pinagbibidahang pelikula at isa sa walong entries na kalahok sa Metro Manila Film Festival 2021 si Dingdong Dantes ang A Hard Day kahit hindi pa masyadong nakakapaghinga mula sa kanilang trip sa Israel at naka-quarantine.

Noong Dec. 15 lang umuwi ng Pilipinas sina Dingdong at Marian Rivera na naging hurado sa 2021 Miss Universe na ginanap sa Eilat, Israel.  

Ang A Hard Day ay Philippine adaptation ng blockbuster South Korean suspense-drama-action movie na kasama rin si John Arcilla.   

Tiyak na matutuwa ang fans nina Dingdong at John dahil sa nakamamangha nilang pagganap gayundin sa makapigil-hiningang suspense at action hatid ng pelikula.

Sa solo presscon ni Dingdong naikuwento nito ang ukol sa pagpunta nila sa Israel lalo na iyong naging pag-iikot nila sa naturang lugar. Bagamat naging masaya sila roon sobra naman nilang na-miss ang kanilang mga anak na sina Zia at Ziggy.

“Miss na miss na namin ang mga anak namin, so we can’t wait to be home soon.

“Alam nila hindi pa kami makakauwi kaagad kaya walang tigil sa kaka-video call. Kinukumusta namin sila. Medyo challenge lang noong nandoon kami dahil nauuna yung ‘Pilipinas ng six hours so very, very limited ‘yung time na nakakausap namin sila.

“Pero ngayon, we make sure na tsine-check namin sila from time to time. And very grateful kami na ‘yung mga lola, nandoon para alagaan sila,” ani Dong.

Naikuwento rin ni Dingdong ang paglilibot nila sa Jerusalem na talaga namang kakaiba ang naging experience nila kaya gusto nilang makabalik doon para mabisita ang Bethlehem, lugar na kung saan ipinanganak ni Virgin Mary si Jesus Christ.

“Bale ‘yung  Jerusalem napuntahan namin. ‘Yung Stations of the Cross, sadly, hindi kami umabot sa Bethlehem kasi limited lang ‘yung oras namin. Babalik kami,” anang aktor.

Ani Dingdong hindi niya napigilan ang maging emosyonal nang makapunta sa Jerusalem, ”Ah oo! Grabe, lalo na ‘yung tomb, ‘yung final resting place Niya (Jesus Christ). ‘Di ba, bago Siya mag-resurrect, nakapasok talaga kami sa loob.

“Talagang, oh my God, ibang klase! Kakaibang experience talaga. Tindig-balahibo!” kuwento pa ng aktor.  

Mapa­panood na ang A Hard Day sa Dec. 25, in selected cinemas nationwide. Ito ay idinirehe ni Lawrence Fajardo.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …