Wednesday , December 18 2024
Yul Servo Bonifacio

Yul ‘ipaglalaban’ ang Ama ng Rebolusyon, Katipunan Documents babawiin

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

SOBRA-SOBRA pala ang paghanga ng actor-politician na si Yul Servo, kinatawan ng ikatlong distrito ng Maynila kay Andres Bonifacio kaya naman pinangunahan niya ang pagpasa ng House Resolution no. 01416 o ”A resolution directing the government of the Republic of the Philippines, through the diplomatic efforts of the Department of Foreign Affairs, to take further steps to recover and preserve the ‘Katipunan Documents’ from the Archivo Militar General De Madrid, under the government of Spain.”  

Layunin ng House Resolution na makuha ang Katipunan Documents mula sa Madrid, Spain, dahil nilalaman ng mga dokumentong ito ang daan-daang mga mahahalagang papeles, ulat at sulat-kamay na mga liham nina Gat Andres Bonifacio, Emilio Jacinto, Pio Valenzuela at iba pang opisyales ng Katipunan. 

Noong Nobyembre 30 ang ika-158 taong kaarawan ni Gat Andres Bonifacio, ang tinaguriang Ama ng Demokrasya ng Pilipinas at Ama ng Rebolusyon. Isa siyang dakilang Filipino na walang ibang hinangad kundi ang palayain ang inang bayan mula sa mahigpit na hawak ng mga dayuhang walang ibang ginawa kundi alipustahin ang Pilipinas. At dahil sa kanyang kabayanihan, isa sa mga national holiday ng Pilipinas ay ang Bonifacio Day na ginaganap tuwing Nov. 30.

Maaaring sa iba ay hindi na importante ang history ng ating bansa, ngunit ang hindi napapansin ng lahat ay ang kasaysayan ang humubog sa isang bansa, ito ang nagpapatatag sa bawat Filipino at patuloy na dumadaloy sa lahat ng aspeto ng ating pamumuhay. 

Sabi nga ni Gat Andres, ”Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya sa pagkadalisay at pagkadakila. Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa. Aling pag-ibig pa? Wala na nga wala.”

Maraming beses nang ginawan ng pelikula ang buhay ni Bonifacio, bukod pa sa mga teleseryeng tumatalakay sa Philippine history. Kabilang sa mga kilalang aktor na gumanap bilang Andres Bonifacio ay sina Cesar Montano, Gardo Versoza, Alfred Vargas, Robin Padilla, Gardo Versoza, Sid Lucero at marami pang iba. At sa bagong version na idinirehe ni Erik Matti, bibida si Manila Mayor Isko Moreno

Noong 2012 nakuha ng Pilipinas ang digitalized copy ng mga ulat at sulat-kamay ng ilang mga bayani na nasa pangangalaga ng National Historical Commission of the Philippines. Pero mahalaga pa rin na makuha ang orihinal na dokumento, ayon Yul.

Bukod dito, nariyan din ang House Resolution no. 2835 o “Resolution Expressing the recognition of Andres Bonifacio as the First President of the Philippines and urging the president to institute through the Department of Education and Commission on Higher Education significant measures to disseminate and propagate the truth about such fact in HistoryBooks, Elementary, High School and Tertiary Education and other related medium of information.” 

Ikatlo ang House Bill no. 10542 o “An act mandating all Colleges and Universities in the City of Manila whether Public or Private to include in their collegiate curricula courses devoted to the life, works and heroism of Gat Andres Bonifacio.”

At sa huli ay ang House Bill no. 10557 o “An act esta lishing the Andres Bonifacio Museum in his hometown of Manila City.”

Paliwanag ni Yul, ”Oras na para malaman ng lahat ang katotohanan tungkol kay Gat Andres Bonifacio, na siya’y higit pa sa isang matapang na mandirigmang nagsimula ng pag-alsa laban sa mga dayuhang nanakop sa kanyang inang bayan, siya ang tunay na Ama ng Demokrasya ng Filipinas at siya ang totoong unang Pangulo ng ating bansa. 

“Ang mga panukalang-batas na ito ay walang anumang layunin na guluhin ang naunang kaalaman natin tungkol sa ating kasaysayan, bagkus nais ng mga ito na itama ang matagal nang mali, at ipagmalaki at kilalanin natin ang Pambansang Bayani sa paraan na makatutulong sa mga susunod na henerasyon. 

“Dahil ang kasaysayan ng isang bansa at kaalamanan ukol dito ay napakalaki ng epekto sa ating pagkatao bilang mga Filipino,” sambit pa ng kongresista.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB Inilabas na, angkop na klasipikasyon para sa siyam na pelikula

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SIYAM na pelikula—mula sa maaksiyon hanggang sa nakakaantig-ng-pusong mga istorya—ang …

Direk Romm Burlat at Tess Tolentino, wagi sa 9th Urduja Film Festival

Direk Romm Burlat at Tess Tolentino, wagi sa 9th Urduja Film Festival

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGWAGI ng apat na major awards ang pelikulang ‘Manang’ sa …

Merry ang Vibes ng Pasko sa TV5

Merry ang Vibes ng Pasko sa TV5 ngayong Disyembre

NGAYONG Kapaskuhan, hatid ng TV5 ang ultimate Christmas saya sa isang star-studded Christmas extravaganza at bagong updates …

Vic Sotto Piolo Pascual Kingdom

The Kingdom nakae-excite, maraming matututunan  

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAGASTOS ang The Kingdom, dahil pawang malalaki ang eksena at locations. Hindi …