Saturday , November 2 2024
Rida Robes Disney Savano Park CSJDM San Jose Del Monte Bulacan

Paskong masaya sa CSJDM, Bulacan

SA PAGNANAIS mabigyang kasiyahan ang mga residente ng San Jose Del Monte City, Bulacan, inilunsad ng pamahalaang lokal ang “Christmas Parade” nitong Martes, kalahok ang mga Disney characters.

Ito ang ikalawang taon ng Christmas Parade na pinangunahan ni SJDM Rep. Florida “Rida” P. Robes na inilunsad sa Savano Park sa nasabing lungsod, tampok ang ilang timbulan o floats sa parada, sakay ang mga lumahok na tauhang hango sa Disney characters.

May kasamang mga mananayaw o street dancers ang mga timbulan habang pumaparada patungo sa mga pangunahing lansangan na labis na ikinagalak ng mga residente at mga manonood.

Sinabi ni Robes, ang parada ay iikot sa lahat ng mga pangunahing lansangan sa lungsod ng San Jose Del Monte sa loob ng isang buwan upang maghatid ng kasiyahan at tuwa sa mga mamamayan, lalo sa mga bata ngayong panahon ng Kapaskuhan.

        “Christmas is for the children and it is the aim of this parade to bring cheer to the people especially the young and young at heart as we celebrate the Christmas season. We want to have a fun-filled and merry Christmas for every San Joseño,” pahayag ni Robes.

About hataw tabloid

Check Also

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

Kung may sapat na batayan
DUTERTE SAMPAHAN NG KASO, HAMON NI SEN. BATO DELA ROSA

HINAMON ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang nais magsampa ng kaso laban kay dating …

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Rolando Valeriano Rodrigo Duterte

Hindi bayani o diyos  
DUTERTE SALOT — SOLON

ni Gerry Baldo TAHASANG sinabi ng isang kongresista mula Maynila na hindi isang bayani o …