Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Ill-gotten wealth’ ni Quiboloy ‘yari’ sa US gov’t

112221 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO

NAIS ng mga awtoridad sa Amerika na kompiskahin ang mga ari-arian ng spiritual adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy dahil ito’y ‘ill-gotten.’

Napaulat na itinuturing ng Federal Bureau of Investigation (FBI) na ‘ill-gotten’ ang properties ni Quiboloy sa US dahil resulta ito ng mga krimeng ginawa.

“We seek to recover typically all ill-gotten gains from the crimes committed,” ayon kay FBI spokesperson for Los Angeles Laura Eimiller sa ulat ng Inquirer.

Ang pahayag ni Emiller ay kasunod ng pormal na paghahain ng mga kasong sex trafficking, child sex trafficking, money laundering, bulk cash smuggling, marriage and visa fraud at iba pang paglabag sa federal law laban kay Quiboloy at walo pa niyang tauhan sa KOJC.

Inaasahan aniya na mas marami pang biktima ng sex trafficking ang lalantad upang tulungan ang US authorities sa mga kaso laban sa 71-anyos na KOJC leader at kanyang mga kasabwat.

Kabilang sa mga nanganganib na makompiskang ari-arian ni Quiboloy sa Amerika ay ang Cessna Citation Sovereign, isang private aircraft na may current market value na $18 million, isang Bell 429 helicopter, ilang luxury cars at real estate properties, gaya ng isang million-dollar mansion sa Calabasas, California.

May mga bahay din umano si Quiboloy sa Las Vegas, Nevada, at sa Kapolei, Hawaii, at ang main headquarters ng KOJC na may address sa US 14400 block of Vanowen Street, Van Nuys, California.

Nagsimula umanong subaybayan ng US authorities ang mga aktibidad ni Quiboloy mula nang madetine ng isang araw sa Honolulu noong 13 Pebrero 2018 makaraan matuklasan ng customs officials sa kanyang luggage ang gun parts,  US$335,000 at $9,000 Australian dollars sa kanyang private aircraft.

Noong Biyernes, tiniyak nina Justice Secretary Menardo Guevarra at acting presidential spokesperson Karlo Nograles na makikipagtulungan ang gobyerno ng Filipinas sa US kapag hiniling ang extradition ni Quiboloy.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

PDEA

Batakan tinibag ng PDEA; Operator, 3 runner tiklo sa Porac, Pampanga

BINUWAG ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Pampanga Provincial Office ang isang …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted criminal ng CamSur nabitag sa Bulacan

NAHULOG sa kamay ng batas ang isang indibidwal na nakatala bilang most wanted person sa …

Olongapo PNP Police

12 timbog sa Oplan Roulette sa ‘Gapo

ARESTADO ang 12 indibidwal nang ipatupad ng Olongapo CPS, katuwang ang Criminal Investigation and Detection …

POC Bambol Tolentino PhilCycling Dato' Amarjit Singh Gill

12 bansa kumpirmado na para sa Asian track championships sa Tagaytay CT Velodrome

BUMALIK sa Pilipinas ang ika-45 Asian Cycling Confederation (ACC) Track Championships matapos ang 31 taon, …

PSC Pato Gregorio NGAP

Asian Tour Series PH Leg sa Pebrero na

ALINSUNOD sa malawakang kampanya ng pamahalaan para sa sports tourism, pangungunahan ng Philippine Sports Commission …