Sunday , November 17 2024
BRP Sierra Madre

Binomba ng water cannon ng Chinese Navy
PH NAVY MAGHAHATID MULI NG PAGKAIN SA AYUNGIN SHOAL

MAGTATANGKANG muli ang Philippine Navy na magpadala ng supply ng pagkain sa mga sundalo sa Ayungin Shoal ngayong linggo.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, nangako ang embahada ng China na hindi gagalawin ang resupply boat kung wala itong Coast Guard o Navy escort.

“Yes there are such instructions, no Coast Guard or Navy escort. The Chinese will not interfere per my conversation with the Chinese Ambassador,” ani Lorenzana.

“We will see if they are true to their words as our navy will proceed with the resupply next week,” aniya.

Noong Martes, 16 Nobyembre, hinarang at binomba ng water cannon ng Chinese Coast Guard ang bangkang magdadala dapat ng pagkain at iba pang supplies sa mga sundalong nakadestino sa BRP Sierra Madre na nakadaong sa Ayungin Shoal na bahagi ng teritoryong pinag-aagawan ng iba’t ibang bansa kabilang ang Filipinas at China.

Samantala, nakatanggap ng babala mula sa Chinese Navy ang mga piloto ng private aircraft habang papunta sa Pag-asa Island para ihatid si Partido Reporma standard bearer Panfilo Lacson at kanyang team noong Sabado.

Nakatanggap umano ng radio message mula sa Chinese Navy  sina Captains John Donguines at Geo Villacastin, mga piloto ng pribadong Pilatus PC-12 aircraft, habang patungo sila sa Pag-asa Island mula sa Antonio Bautista Air Base sa Puerto Princesa na nagbabantang umalis sila dahil military zone ito ng China.

“You are approaching our military zone. Please stay away from the area and leave immediately. Your actions are unfriendly and dangerous. Your actions are dangerous. This is Chinese Navy. You are approaching our military alert zone. Leave immediately in order to avoid misjudgment,” mensahe ng Chinese Navy sa mga piloto.

May standard na reply na ginamit umano ang mga piloto at walang naganap na untoward incident, ayon kay Ashley Acedillo, kasama ni Lacson sa pagbisita sa mga tropang militar at mga residente sa Pag-asa Island.

Aminado si Lacson na nagtaka siya nang makatanggap ng text message sa kanyang cellphone na “Welcome to China” paglapag ng kanilang grupo sa Pag-asa Island. 

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

2 dating kaalyadong politiko ni Mayor Vico Sotto bumaliktad

DESMAYADO na ang dalawang dating mga kaalyadong politiko ni Pasig City Mayor Vico Sotto at …

Bamboo Kawayan

Pamangkin hinamon ng duwelo , Tiyuhin patay sa palo ng kawayan

BINAWIAN ng buhay ang isang 55-anyos na lalaki matapos ilang ulit paluin sa ulo ng …

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

THE Department of Science and Technology (DOST) and the Wadhwani Operating Foundation have signed a …

Artist Lounge Talents MultiMedia Inc

Artist Lounge Talents MultiMedia Inc. inilunsad

MATAGUMPAY ang grand launching ng Artist Lounge Talents MultiMedia Inc., na ginanap last November 10 sa Activity …

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …