Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
KD Estrada

KD Estrada nominado na naman para ma-evict

MA at PA
ni Rommel Placente

SA Pinoy Big Brother:Kumunity Season 10 3rd Nomination Night noong Linggo, nominado na naman si KD Estrada for eviction. Nakakuha siya ng 8 points mula sa kanyang co-housemates.

Nang  marinig ang pangalan niya bilang nominado,  biglang tumayo si KD at lumakad palayo mula sa kanilang kinauupuan. Obvious na hindi niya matanggap na lagi na lang siyang nominado. 

Sa tatlong beses na nano-nominate ang binatilyo, iisa  lang ang ibig sabihin nito, na maraming may ayaw sa kanya na makasama pa sa loob ng Bahay Ni Kuya, ‘di ba? Parang ang sakit naman niyon sa part niya.

Pero sa naunang dalawang nominasyon niya, ay hindi siya na-evict. Lagi siyang ligtas. Marami kasi siyang fans na gusto pa rin siyang mapanood sa nasabing reality show ng ABS-CBN.  

This time kaya, ay makaligtas na naman siya sa nominasyon, o tuluyan na siyang mapatalsik sa PBB House? ‘Yan ang ating aabangan!

Bukod kay KD, ang tatlong mga nominado pa ay sina Chie Filomeno, Eian Rances, at Benedix Ramos

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Joseph Marco Rhen Escaño My Husband is a Mafia Boss

Joseph Marco at Rhen Escaño bibida sa My Husband is a Mafia Boss

HINDI nauubos ang mga kapana-panabik na handog ng Viva One para sa mga loyal viewer at Wattpadseries enjoyers. …

SSR Shake Rattle and Roll Evil Origins

Shake, Rattle &Roll: Evil Origins tumabo ng mahigit P110-M sa takilya, palabas pa sa mahigit 100 sinehan

NA-BREAK na ng Shake, Rattle & Roll: Evil Origins ang P100-M mark sa isinasagawang Metro Manila Film Festival …

CoJ Cup of Joe Stardust

Cup of Joe’s Stardust int’l leg kasado na

I-FLEXni Jun Nardo KASADO na ang Stardust international tour ng multi-awarded record breaking band na Cup of Joe. …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …