Saturday , April 26 2025
PBB 10
PBB 10

PBB 10 mas malaki at exciting

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

CURIOUS kami kung ano na ang bagong itsura ng Pinoy Big Brother House para sa pagbubukas ng 10th season nila dahil ang tagline nito ay ‘A new community will rise soon’ na ipinost din ni Sam Milby bilang isa sa nagtagumpay na housemate Season 1.

Caption ng aktor sa post niya, ”What’s with the 10, PBB? @pbbabscbntv.

“I can still remember the first time I stepped in your house, Kuya. I found it hard to speak Filipino but I never felt that I didn’t belong. I found a new family inside your house and I’m truly grateful for everything. So I hope everything’s okay, Kuya!”

Magiging malaking subdibisyon kaya ito o mas lalakihan ang bahay dahil pawang adult at teen celebrities ang kasali sa isinasagawang audition ng bagong pangalang Pinoy Big Brother Kumunity Season 10.

Inanunsiyo ito nina Vice Ganda at dating housemates na sina Ryan Bang at Teen Big Winner Kim Chiu sa It’s Showtime noong Biyernes (Agosto 27).

“Binigyan ako ng task ni Big Brother para sabihin sa lahat na magbubukas na ulit ang bahay ni Kuya para sa Season 10 ng ‘Pinoy Big Brother.’ Naka-10 seasons na pala tayo,” ani Kim.

Sabi rin ni Ryan, ”Sabi nga sa labas ng bahay niya…a new community will rise soon.”  

Sinundan pa ito ng pagpaskil ng numero 10 sa tabi ng gate ng tinaguriang pinakasikat na bahay sa Pilipinas na napansin din ng ilan sa mga dating housemate ni Kuya tulad nina Kim, Gerald AndersonLou Yanong, Maris Racal, Maymay Entrata, Ryan Bang, Sam, at Seth Fedelin.  

Abangan ang iba pang exciting announcement tungkol sa PBB Kumunity Season 10 sa Facebook (@PBBABSCBNTV), Twitter (@PBBABSCBN), at Kumu (@PBBABSCBN). 

About Reggee Bonoan

Check Also

Kobe Paras Kyline Alcantara

Kobe may cryptic post, patama kay Kyline?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MARAMI ang nag-react sa tila pasaring na post ni Kobe Paras using the …

Pinky Amador

Pinky Amador na-miss sa Afternoon drama, pasok sa Binibining Marikit

RATED Rni Rommel Gonzales INTENSE ang gigil tuwing hapon dahil may nagbabalik afternoon prime – …

PBB 3rd Nomination Night

3rd Nomination Night ng Pinoy Big Brother pinag-usapan

RATED Rni Rommel Gonzales MATAPOS ang isang tahimik at makabuluhang Semana Santa sa loob ng …

Miles Ocampo lumipat na sa All Access to Artists

Miles Ocampo lumipat na sa All Access to Artists

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NASA pangangalaga na ng All Access to Artists (Triple A) Management si Miles Ocampo. …

Hiro Magalona Nora Aunor

Hiro Magalona nalungkot na ‘di nasampal ni Ate Guy

MATABILni John Fontanilla NALUNGKOT ang aktor na si Hiro Magalona sa pagpanaw ng  nag-iisang Superstar Nora Aunor. Isa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *