Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rayver Cruz, Janine Gutierrez, Paulo Avelino

Janine at Rayver kompirmadong hiwalay na

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HIWALAY na sina Janine Gutierrez at Rayver Cruz. Isang buwan na!

Ito ang kinompirma sa amin ng isang malapit na kaibigan ng pamilya Gutierrez.

Sa paghihiwalay ng dalawa, lumabas ang pangalan ni Paulo Avelino dahil naikuwento nitong minsan silang nag-date ng dalaga ni Lotlot de Leon. Kaya naman si Paulo ang naisip ng mga intrigero na dahilan ng hiwalayan nina Janine at Rayver.

Paglilinaw ng kaibigan, walang 3rd party sa hiwalayan ng dalawa na umusbong ang pagmamahalan noong 2017 bagamat 2019 lamang sila naging bukas sa kanilang relasyon sa publiko.

Sinabi pa ng aming kausap na matagal nang magkaibigan sina Paulo at Janine kaya naman totoong lumalabas na nga ito o nagde-date na noon pa man.

“Pero friendly date lang iyon. Hindi pa magkakilala sina Janine at Rayver lumalabas na sina Janine at Paulo” giit ng kaibigan ng aktres.

Sa zoom virtual conference ng Marry Me, Marry You kinompirma ni Paulo na nag-date nga sila noon ni Janine. “Lumabas na kami dati, hindi lang natuloy,” sambit ng aktor.

Kinompirma rin naman ng aktres na lumabas na nga sila ni Paulo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …