KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas
PATINDI nang patindi ang programming ng Net 25 sa panahong ito.
May Aga Muhlach na sila sa buwang ito. Si Aga ay hindi para sa drama, kundi para sa game show. Host si Aga ng Tara, Game, Agad Agad na magsisimula na sa November 21, 7:00 p.m..
Judging from the teaser released by Net 25, buhay na buhay naman si Aga as gameshow host. Maliksi naman siya kahit na parang overweight siya. O my body dad na, ‘ika nga, bagama’t naroon pa rin ang kanyang kisig.
Mukhang iniiwasan talaga ng Net 25 na mag-drama serye sila. Kumuha sila ng isang dramatic actor para mag-host ng gameshow. That’ s a very smart move. Mapapaiba sila. Besides, halos umaapaw na ang mga network sa mga teleserye na ‘di pwedeng kompitensyahin ng Net 25 ang pagiging very daring sa tema at treatment. ‘Di naman maipagkakaila na conservative ang Net 25 dahil ang religious sect na Iglesia ni Kristo ang may-ari at operator nito.
Masasabing on the right track talaga ang Net 25 sa pagpapatindi ng programming nito na ‘di nakikipag-kompitensya sa iba. ‘Ika nga sa Ingles, “Net 25 is marching to the beat of its own drums.”
Kamakailan ay nakuha nila sina Ali Sotto at Pat-P Daza para mag-host ng tipong kauna-unahang news and commentary program sa umaga na dalawang babae ang anchors (na “hosts” na rin ang tawag ngayon). Isang babae at isang lalaki ang madalas na dual hosts sa mga ganoong klaseng programa, o kaya ay parehong lalaki.
Nakuha rin ng Net 25 ang cooking vlog ni Nadia Montenegro na Cucina ni Nadia para maging bahagi ng regular programming ng network tuwing Sabado ng umaga naman.
All new episodes naman ang ipalalabas nila. ‘Di naman nila iri-replay lang ang mga lumabas sa vlog n’ya.
May isang reviewer ng celebrity cooking vlogs ang nagsabing si Nadia ang pinakasimple kung magbigay ng instructions sa pagluluto. Which means, siya rin ang pinakamalinaw ang instruksiyon.
Panoorin n’yo ang Cucina ni Nadia tuwing 10:30 a.m. tuwing Sabado kung gaano kasimple ang mga instruksiyon ni Nadia.