Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
John Prats, Ang Probinsyano

John Prats magiging director na ng Ang Probinsyano

MA at PA
ni Rommel Placente

BONGGA si John Prats huh! Bukod kasi sa pagiging direktor niya ng It’s Showtime, hayan at kinuha na rin siya bilang isa sa direktor ng FPJ’s Ang Probinsyano, na pinagbibidahan ni Coco Martin

Kaya naman sa kanyang Instagram account ay nagpasalamat siya sa bagong oportunidad na dumating sa kanyang buhay. Ganoon din sa mga big boss ng Kapamilya Network, kay Coco, at sa Dreamscape Entertainment, na nagtiwala sa kanya para kunin siyang direktor ng nasabing longest-running series sa telebisyon.

Masaya rin si John na bahagi na ng FPJ’s Ang Probinsyano ang Megastar na si Sharon Cuneta.

Post ni John sa kanyang IG account, “This is Big! Never ko na-imagine sa tanang buhay ko na mapabilang kasama ang mga mahuhusay na Director ng ABS-CBN. Thank you Lord God. Salamat Direk CM (Coco Martin) sa tiwala at sa pag gabay. Thank you Tita Cory , Direk Lauren and Sir Deo and sa @dreamscapeph family for this opportunity na habang buhay kong ipagpapasalamat. And just WOW! Mega star is in the house!!! This is really BIG! Probinsyano never stops!!! 6 years and counting. To God be the Glory. Napakalaki ng Cast! Nakakalula, ngayon laang ata ako naka experience na maging bahagi ng isang programa na napakaraming Bituin! Enjoy mga Kapamilya.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

Mentorque GMA Pictures 58th Huwag Kang Titingin Ella Arcangel

Mentorque at GMA movie star studded

RATED Rni Rommel Gonzales MARAMI na namang kaabang-abang na pelikula mula sa GMA Pictures para sa taong …

Shake Rattle and Roll SSR Evil Origins

SRR: Evil Origins patuloy na pinipilahan

NASA ikalawang linggo na sa mga sinehan ang Shake, Rattle, and Roll: Evil Origins at patuloy itong …