Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Isko Moreno, Doc Willie Ong

Kalusugan prayoridad kapag nanalo sa 2022
TAMBALANG ISKO, DOK WILLIE DESMAYADO SA COVID-19 RESPONSE

SEGURADO sa tambalang Mayor Francissco “Isko Moreno” Domagoso at Dr. Willie “Doc Willie” Ong ang pagpapabuti ng kalagayan ng mga ospital, kasama rito ang pagtaas ng kalidad ng mga pasilidad, at panukalang gawing mas abot-kayang serbisyong medikal para sa lahat ng mamamayan.

Isa ito sa mga layunin ni Doc Willie matapos matambad ang kalagayan ng mga provincial hospitals   nang personal na bisitahin ang San Miguel District Hospital kaya lalong napagtibay ang kanyang naisin na iangat ang serbisyong medikal na nararapat para sa mga Filipino.

Kasama rito, binanggit ni Doc Willie ang pangangailangan ng mas murang gamot at mas maigting na pagsuporta sa health workers para tuluyang umangat ang antas ng kalusugan sa bansa.

Dahil dito tiniyak ni Ong, sa sandaling sila ay maluklok ni Yorme matapos ang halalan sa 2022 elections ay maaaring ipahawak din sa kanya ang pagiging kalihim ng Department of Health (DOH) nang sa ganoon ay maibahagi niya ang kanyang kaalaman at mga karanasan bilang doktor na nauunawaan kung paano maibibigay ang sapat at tamang serbisyong pangkalusugan para sa mga mamamayan.

Aminado si Ong, hindi matagumpay ang pamahalaan sa pagtugon sa CoVid-19 kung kaya’t higit itong bibigyang pansin ng kanilang tambalan upang makaungos ang bansa sa pandemya at tuluyang makabawi ang ekonomiya.

Ipinunto ni Ong, magandang ehemplo ang tagumpay ni Yorme sa Maynila sa pagtugon sa CoVid-19 at usaping pangkalusugan ng mga mamamayan sa lungsod dahil sa kanyang katuwang na isang doktor sa katauhan ni Vice Mayor Honey Lacuna.

Dahil dito, naniniwala si Ong, sa sandaling magtagumpay silang dalawa ni Yorme ay tiyak na mabibigyang prayoridad ang kalusugan sa bansa.

Binanggit din ni Doc Wille na nais niyang maiangat sa level 2 o maging level 1 ang lahat ng pampublikong ospital sa buong bansa para makapagbigay ng tama at wastong serbisyong medikal sa mga mamamayan. 

Samantala nagpakita ng buong suporta sa kandidatura ng tambalang Yorme Isko at Doc Willie ang tambalang Mayor Gazo Galvez at Vice Mayor Ven Lipana ng San Ildefonso, Bulacan at ang grupo ni dating San Miguel Rep. Boji Cabochan kasama ang kanyang anak na si Jiboy Cabochan na tumatakbo bilang alkalde ng bayan.

Nagpakita rin ng suporta sa tambalang Isko at Ong ang ilang grupo ng mga magsasaka , uring manggagawa, mga kabataan, senior citizens, barangay leaders, at ilang riders group sa isang town hall meeting na ginanap sa San Miguel, Bulacan. 

Lubos ang pasasalamat ng tambalang Yorme at Doc Willie sa mainit na pagtanggap sa kanila ng mga maamamayan  at ilang opisyal ng San Ildefonso at  San Miguel  sa lalawigan ng Bulacan. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …