I-FLEX
ni Jun Nardo
BINISITA ni Senatoriable Herbert Bautista si Mother Lily Monteverde nitong nakaraang mga araw matapos magpa-check up.
Inabutan ni Herbert si Mother Lily sa Valencia na tumutugtog ng isang folk song sa piano.
Eh napatawa niya si Mother dahil ‘yung pagtugtog niya ng piano ay sinabayan naman ni HB ng isang folk dance, huh! Hindi napigilan ng producer ang tumawa nang malakas sa sayaw ni Herbert.
Bihira mang magkita sina Mother at Herbert, nananatili ang pagmamahal nila sa isa’t isa mula noong nagsisimula pa lang si Bistek hanggang ngayong politiko na siya.